Anne, nagpraktis ng pagho-host


Showbiz Gallery

Showbiz Today


 

ENTERTAINMENT

Anne, nagpraktis ng pagho-host

(JOE BARRAMEDA)


Noong Lunes nang hapon, kasama namin ang mga kaibigang John Ling at Direk Gilbert Perez na nagkakape sa isang coffee shop sa Shangrila Mall.

Nakita namin si Anne Curtis na nagsa-shopping to the max doon.

Kinailangan pa niyang iwan sa isang tindahan ang mga pinamili sa dami ng mga ito na hindi na niya mabitbit.

Ayon kay Anne, sinasamantala niya ang pagsa-shopping sa bihirang dumating na libreng araw.

Nakatakdang umalis si Anne patungong Melbourne for a benefit show na inayos ng kanyang ina roon.

Maliit man ang TF niya roon ay malaking bagay na sa kanya ang makalipad doon nang libre dahil mabibisita pa niya ang kanyang mga kamag-anak na naka-base roon. Dapat ay kasali siya sa series of shows sa Amerika pero dahil sa pagpunta niya sa Australia ay ang San Francisco show lang ang masasalihan niya.

Nanghihinayang si Anne na hindi makasali sa show sa East Coast, lalo na sa New York City na matagal na niyang pinapangarap na mapuntahan.

Nauna raw kasing na-finalize ang Australia show kaya wala na siyang magawa.

Sina Luis Manzano at Yeng Constantino ang makakasama niya sa San Francisco show. Nang kumuha siya ng working visa para sa Amerika ay nag-aalala siya na baka tanungin siya kung ano ang gagawin niya roon gayong hindi siya marunong kumanta.

Kasi minsan, kapag sinabi mo sa consul sa US Embassy na singer ka ay pakakantahin ka.

Pinaghandaan ni Anne na bilang host ng show ang magiging participation niya at nagsanay siya sa pagsasalita bilang host ng programa.

Hindi niya nagamit ang pinagpraktisan niya dahil hindi raw sila tinanong ng consul.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top