|
Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, 3rd Floor, BF Condominium Bldg., Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.
|
PUBLIC
SERVICE
Enjoy pa sa work Dear Tita Nora, Ngayon ko lang po nalaman na mahirap palang magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin. Kasi po, ang boyfriend ko ay 36 years old na. Ako po’y 21 pa lang. Gusto po niyang magpakasal na kami. Next year na niya balak. Hindi ko po alam kung susundin ko ang gusto niya. Kasi po, sa totoo lang Tita Nora ay hindi pa ako handa. Kakapasok ko lang kasi sa trabaho ko. First job ko po ito at nag-eenjoy pa ako. Baka pag kinasal kami ay magkaanak na agad ako at sa bahay na lang mag-stay. Pero mahal ko po siya. Please help me po sana, kung ano ang gagawin ko.
Girl April
Dear Girl April, May kasabihan tayong ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat. Kung ano ang gusto mo, ang plano mo at gustong mangyari ay sabihin mo sa boyfriend mo. Mag-usap kayo, iha. Kung hindi ka pa ready na magpakasal kayo’y huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Kahit mahal mo pa siya kung di ka pa desidido sa plano niya’y kausapin mo siya. I’m sure maiintindihan ka naman niya at kung mahal ka niya’y makapaghihintay din siya. Mahirap na ang mapasubo kaya kung nag-aalinlangan ka pa’y hayaan mo munang i-enjoy ang iyong pagkadalaga. May tamang oras para sa lahat. Hindi kasi puwedeng isa lang ang ready habang ang isa’y hindi pa. Kailanga’y parehong buo ang inyong pasya. Good luck and God bless you.
Love, Tita Nora
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|