FOR THE RECORD

Ni Jeany Lacorte


Editorial

Spy on the Job


 

OPINION

Sayang na prebilehiyo


Tumpak ang hamon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan sa Embahada ng Korea na isa-isahin at pangalanan ang mga opisyal ng Immigration na itinuturong nangongotong at nanghaharas sa mga negosyanteng Koreano.

Sa halip nga namang umaksyon at ipagbigay-alam sa pamahalaan ng Pilipinas ang iregularidad, resbak agad ang naisip ng Korea sa pamamagitan ng kanselasyon sa pag-iisyu ng working visa sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Hindi dapat tumiklop ang ating gobyerno sa panggigipit na ginagawa ng Korea sa ating mga kababayan.

Ipakita nating sinsero ang ating pamahalaan sa paglipol sa mga hindi dokumentadong dayuhang nananatili sa bansa na karamihan ay Koreano at nagnenegosyo pa.

Hindi basta pagnenegosyo ang kanilang pinapasok dahil may ilang nalilinya sa ilegal na negosyo kagaya ng ilegal na droga.

Sa halip na pansinin ang akusasyong wala namang sapat na basehan, mas mabuting seryosohin ang kampanya laban sa mga dayuhang patuloy na naninirahan sa bansa gayung walang kaukulang dokumento at nagiging kaagaw pa nating mga Filipino sa pagnenegosyo at pagkaminsan ay maging sa paghahanapbuhay.

Sayang ang mga prebilehiyong dapat ay tayong mga Pinoy ang nakikinabang at hindi ang mga dayuhang patuloy na namamayagpag sa linya ng pagtitinda ng kung anu-anong produktong hindi rin gawa sa ating bansa.

***

May balasahan na namang ipinatupad si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan kabilang sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Angelo Reyes at dating Manila Mayor Lito Atienza sa naitalagang bagong miyembro ng gabinete ni Arroyo.

Dahil kaya sa bagong posisyong ibinigay kina Reyes at Atienza, babango na ang pangalan ni GMA at magiging tagumpay na ang kanyang liderato?

Parang wala akong makitang positibong epektong maihahatid sa gobyernong Arroyo ang pagkakalipat kay Reyes sa Department of Energy (DOE) mula sa DENR at kay Atienza sa DENR.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top