|
Atienza sa DENR hindi raw political payback Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’
|
TOP
STORIES
Mayor Lim pinakakasa kay GMA (Rey Marfil) Ito ang panawagan ng dating katropa ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos magpakita ng paglambot ang dating opposition senator sa ‘rally ban’ NA ipinapapatupad ng Malacañang sa Mendiola. Ayon kay senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., dapat aniyang panindigan ng alkalde ang paglusaw sa ‘No rally policy’ ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa nakaraang kampanya ay ikinasa ni Lim ang pagdeklara ng ‘free zone’ sa lahat ng kilos protesta ang Maynila subalit nagbago ng polisiya matapos maiproklamang alkalde, sa pamamagitan ng pagtakda ng kondisyon na papayagan lamang ang rally kapag holiday at walang klase. Ilang araw ang nakakaraan, sinubukan ng militanteng grupo ang mga kondisyong ibinigay ni Lim at malayang pinapasok ang mga demonstrador sa Mendiola, bitbit ang rally permit subalit kaagad humingi ng meeting si Philippine National Police (PNP) chief Oscar Calderon sa alkalde upang ibalik ang rally ban sa naturang bisinidad. Sa puntong ito, pinaalalahanan ni Pimentel si Lim na bahagi ng press freedom o malayang pamamahayag ang pagsagawa ng kilos-protesta, malinaw aniya ang isinasaad sa 1987 Constitution tungkol sa karapatan ng mamamayan makapag-assemble sa isang lugar. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|