PUGOT-MARINES SASABOG KAY GMA

Atienza sa DENR hindi raw political payback

Chinese candies nakakamatay!

Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson

Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’

Mayor Lim pinakakasa kay GMA


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’

(Rey Marfil)


Katulad ng kasabihang ‘no talk, no mistake’, ayaw nang patulan ni administration Sen. Juan Miguel "Migz" Zubiri ang isyung "Dayana Zubiri" at ang kantiyaw na "Gentleman from Maguindanao" na ipinupukol ng kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika.

Sa panayam ng TONITE, pilit iniwasan ni Zubiri na pag-usapan ang isyung may kinalaman sa mga pag-atake ng civil society, sa pangunguna ng Black and White Movement at ilan pang grupong nagbantay sa resulta ng bilangan sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Zubiri, makakadagdag lamang sa kanyang problema kung papatulan niya ang mga patutsada ng civil society na nag-akusang ‘Dayana Zubiri’ ito at naupo lamang bilang senador sa pamamagitan ng pandaraya.

Ang akusasyong "Gentleman from Maguindanao" naman ay may kinalaman sa kinukuwestyong certificates of canvass (COCs) na ‘minadyik’ diumano ni Atty. Lintang Bedol, provincial supervisor ng Comelec sa Maguindanao.

Naging sentro rin ng mga text joke ang proklamasyon ni Zubiri bilang No. 12 senator, partikular ang panunumpa sa Bukidnon dahil dapat umanong sa Maguindanao ginawa ang makasaysayang oathtaking dahil dito lamang ito nanalo.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top