|
Atienza sa DENR hindi raw political payback Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’
|
TOP
STORIES
Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson (Rey Marfil) Maliban sa nakatakdang meeting sa Club Filipino ngayong araw, magkakalabasan na ng baraha ang oposisyon sa Hulyo 22 matapos kumpirmahin ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang pagtitipon ng kanilang grupo bilang preparasyon sa pagbubukas ng 14th Congress. Kinumpirma ni Lacson ang pagdalo sa pagtitipon ng Genuine Opposition (GO) ngayong araw, alinsunod sa imbitasyon ni Makati Mayor Jejomar Binay, pangulo ng United Opposition (UNO), kung saan sentro ang pag-uusap kung sino ang magdi-deliver ng kontra-SONA. "I’ll be there sa Club Filipino. Pag-usapan namin Sunday sino mag-deliver. Minority leader mag-deliver ng SONA. Unity ng opposition pag-uusapan. Hopefully ang conundrum namin diyan ma-resolve din, opposition-administration sa Senate, ang middle," ani Lacson. Sa Linggo, isang hiwalay na caucus ang ipinatawag ng tinaguriang "Solid 8" upang plantsahin ang magiging papel ng kanilang grupo sa pagbubukas ng 14th Congress matapos tumawid sa kabilang kampo si Senate President Manuel Villar, Jr. kasama sina Sen. Jinggoy Estrada, Francis Escudero III at Alan Cayetano. "Maraming pwedeng mangyari. Open namin ang invitation even to those who already signified to vote for Villar. Even Villar open sa kanya ang invitation. Ang caucus para sa lahat na nagsasabing opposition sila. Opposition caucus ‘yan, if they want to join us they can join us, Manila Polo Club, 12:00 noon," ani Lacson. Sa Linggo magkakalabasan ng baraha, ayon kay Lacson kung sino ang kasama sa kanilang grupo, partikular sa Solid 8 at kung sino ang tuluyan nang nakisiping sa mga kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|