|
Atienza sa DENR hindi raw political payback Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’
|
TOP
STORIES
Chinese candies nakakamatay! (Rey Marfil) Ito ang naging babala nina Senate President Manuel Villar, Jr. at Sen. Mar Roxas sa publiko, kalakip ang panawagan sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) na paigtingin ang pagsusuri sa lahat ng mga food products na pumapasok sa Pilipinas mula People’s Republic Of China (PROC). Sa pagkakatuklas ng formaldehyde o formalin sa mga produktong inaangkat mula Tsina tulad ng kending White Rabbit, ibinabala nina Villar at Roxas ang panganib sa buhay ng mga batang mahihilig sa candy lalo pa’t nagtataglay ng nakakalasong kemikal ito. "Kahit na kendi lang iyan, hindi dapat minamaliit iyan. Kung delikado pala, tulad ng nadiskubre ng BFAD, dapat suyurin ang merkado para mawala ang mga ganitong produkto," ani Roxas. Sa report ng US Department of Labor, Occupational Safety and Health Administration (USDLOSHA), nagtataglay ng formalin, isang sangkap sa pag-embalsamo ng patay ang ilang Chinese candy. Direktang tinukoy ng BFAD ang mga milk candy product ng Romanticfish Food Industry, Bairong Grape Biscuit ng Dongguan Bairong Food Stuff Company na ipinamamahagi ng Goodway International Trading Corporation at Yong Kang Foods Grape Biscuits ng Dongguan Yongkang Food Company, Ltd. Bunga nito, iminungkahi ni Villar ang pagsira sa lahat ng mga produktong makukumpiska ng Bureau of Customs (BOC) upang hindi kumalat sa merkado ang mga panindang nagtataglay ng formalin. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|