PUGOT-MARINES SASABOG KAY GMA

Atienza sa DENR hindi raw political payback

Chinese candies nakakamatay!

Oposisyon labasan na ng baraha -- Lacson

Migz dedma na lang sa ‘Dayana Zubiri’

Bunso ni Gloria nangapa sa interview


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Matinding perwisyo ang hatid ng rehabilitasyon sa Tullahan Bridge sa McArthur Hi-way, Valenzuela. Bukod sa panganib, peligroso rin sa mga nagdaraan ang pansamantalang tulay na itinayo. (Devery Mark Alegata)

PUGOT-MARINES SASABOG KAY GMA

Nina Bernard Taguinod at Rose Miranda


Sasabog sa mukha ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpugot sa ulo ng sampung Marines sa Basilan kapag hindi naibigay ang katarungan sa mga ito.

Ito ang babala ng isang beteranong kongresista na ayaw pabanggit ng pangalan bilang reaksyon sa animo’y paglambot ng gobyerno partikular na ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) panel sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naturang usapin.

Ayon sa kongresista, galit ang Philippine Marines sa barbarikong uri ng pagpatay sa kanilang mga kasamahan sa Tipo-Tipo Basilan matapos ambusin ng MILF guerillas.

Kailangan, aniya, na may magawa ang GRP at AFP sa naturang kaso at ibigay ang katarungang hinahanap ng mga Marines para sa kanilang mga kasamahan dahil kung hindi ay malamang na magiging malaking isyu ito sa mga rebeldeng sundalo para panagutin ang gobyernong Arroyo.

"Galit na ang mga Marines, Kailangang ma-handle iyan ng maayos baka gamitin ng mga nakakulong na sundalo against the administration. Baka sumabog iyan sa kanila (Arroyo at AFP)," ayon sa mambabatas.

Hindi umano ito malayong mangyari lalo na’t hindi lamang ang mga sundalo ang nakikisimpatiya sa hindi makataong ginawa sa mga Marines.

"Marami silang supporters kung sakali. Lahat kasi galit. Galit ang mga Kristiyano, galit din ang mga sundalo pero nananahimik lang. Mas delikado ‘yun kaya hindi dapat balewalain ng GRP panel," anang kongresista.

Dahil dito, pinayuhan ng kongresista ang GRP panel na huwag pumayag na maisama na lamang sa listahan ng mga kaso ng paglabag sa rules of war ang nangyari sa mga Marines.

Subalit ayon sa Malacañang, posibleng masampolan ng Anti-Terror Law ang grupong responsable sa barbarikong pagpatay sa mga Marines.

Sa panayam kay Executive Secretary Eduardo Ermita, sinabi nito na ang nasabing bagay ay kanilang pinag-aaralan lalo na’t seryoso at hindi makatao ang sinapit ng mga miyembro ng Marines sa mga hinihinalang tauhan ng MILF.

Tiniyak ng opisyal na sa lalong madaling panahon ay maglalabas sila ng listahan hinggil sa mga grupong target ng nasabing batas o yaong itinuturing na mga terror groups.

Inayawan naman ni Ermita ang panukalang pagtapik sa isang independent international body upang imbestigahan ang Basilan incident dahil ayaw umano nila na lumaki pa ang nasabing isyu.

"I don’t think we have to resort to that, it’s one way to internationalize the issue," ani Ermita.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top