|
|
LEISURE
PINAKAMALIIT NA ISDA Paliwanagan si Madam Piracucu sa sinulat namin kahapon tungkol sa dwarf planet na Pluto (na hindi na kabilang sa mga planeta ng ating solar system), at humingi siya ng iba pang trivia. TANONG: Ano ang pinakamaliit na isda? SAGOT: Ang Paedocypris progenetica na 7.9 mm ang haba, at nadiskubre noong Enero 2006 sa isla ng Sumatra sa Indonesia. TANONG: Kapag ikaw ay nasa buwan, ang Great Wall of China ang tanging man-made object na visible sa iyong naked eye. Totoo o hindi totoo? SAGOT: Hindi totoo, ayon sa mga astronaut na nakarating sa buwan. Sa mga interesado sa urban legends, rekomendado namin sa inyo ang Internet website na snopes.com (Rumor Has It). Ayos ba, Madam Piracucu? Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito. Jokes lang po, walang personalan. *** Buboy: Ano ang pinakamaliit na isda sa buong mundo? Jovs: Paedocypris progenetica? Buboy: Mali! Jovs: Eh ano? Buboy: Paedocypris progenetica Jr.! [0919-534-6865] *** "Huwag mo nga akong daanin sa paiyak-iyak mo! Ako naman ang unang nasaktan, eh!" – SIBUYAS [Loraine, 0918-325-5250] *** Dati, ang gamot sa sakit ng ulo ay KISSPIRIN at YAKAPSUL. Ngayon, hindi na ‘yun uso! Ano na ang uso? BiogeSEX! O, pa’ano? Ingat! [Gay 40+, 0917-370-6308] *** Ang chuvanez ay magandang pangcheverlu! Pass this to 250,000 eklavu & magiging chenelyn forte ka this year! Don’t ignore, trululu itech! ‘Yung isa kong shengalore, naging sheberli na! GO!!! [Armando Fabia] *** Life is short to make it dull and boring. So, strive for the best to make it worth living dahil… MAKULAY ANG BUHAY sa sinabawang gulay! [Loraine] *** May isang lalaki na pumapatay sa mga Bisaya. Nabalitaan ito ng mga Bisayang sina Inday, Marites at Teresa. Nakita ng killer si Inday. Tinanong ng killer si Inday, "Bisaya ka ba?" "Hende," sagot ni Inday. PATAY! Nagpraktis sina Teresa at Marites, "Hindi! Hindi! Hindi!" Nakita ng killer si Teresa, "Bisaya ka ba?" "Hindi!" sagot ni Teresa. "Ano’ng pangalan mo?" "Tirisa." PATAY… Nagpraktis uli siMarites, "Hindi! Hindi! Marites! Marites! Hindi! Hindi! Marites! Marites!" Nakita ng killer si Marites, "Bisaya ka ba?" "Hindi." "Ano’ng pangalan mo?" "Marites." Umalis ang killer. Napasigaw sa tuwa si Marites, "Yis!" PATAY!!! [0917-817-7247] *** "Hindi raw tatantanan ni Buboy si Sunshine hanggang hindi sila nakaka-assemble ng lalaki," bida ni Lope kay Guada. "Dapat mag-seminar sa ‘kin si Buboy ng tamang pagsampa." Talak ni Guada, "Hoy, Lope! Baka hindi mo alam na pagsampa mo sa kaliwa ko’y nahuhulog ka sa kanan? Ako lang nga ang tumatapos sa sahig!" "Ano naman ang ipinagpuputok ng butse mo? Eh nakaanim na lalaki na nga tayo!" asik ni Lope. Ani Guada, "Wala kang karapatang i-seminar si Buboy! Dapat, sa akin mag-seminar si Buboy!" [Adarmi] *** Noel: Ang ipapangalan ko sa aking anak, Leon, baligtad ng Noel. Nino: Sa akin, Onin, baliktad ng Nino. Toto: Huwag n’yo ‘kong maisali-sali sa usapan n’yo! [Fallguy, 0919-362-2129] *** Always give 100% in making love… 12% conversation (the ohhs and ahhhs) 23% kissing 20% licking 40% pushing (up and down), and 5% for making punas [0921-358-3704] *** Always start your day with a lot of SEX… S-mile E-nthusiasm X-citement So, make SEX a daily habit. Kita mo, you’re smiling na! Nag-SEX ka, ‘no?! [0921-358-3704] *** Simple lang akong tao. Simpleng bagay lang, masaya na ‘ko. Simpleng buhay, kuntento na ‘ko. Simpleng dog style nga lang, pakiramdam ko, nasa langit na ‘ko! [Miss X, 0919-396-6744] *** May kaibigan na minsan, hindi makita. Minsan, hindi makausap. Minsan, hindi makasama. Parang ako… pero tandaan mo, hindi mo man ako makita, makausap o makasama… wala pa ring duda… Ako ‘yung kasama mong sumisid sa jacuzzi ng Victoria! [Miss X]
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|