Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Sports off’l at tropa nanunuba sa clubs

(Bernard Taguinod)


Kung mayroong Undersecretary na mahilig manggamit ng mga reporter para sa kanyang bisyo sa pambababae, mas malupit ang isang sport official dahil nagbibitbit ng mga barkada sa mga bahay-aliwan pero hindi marunong magbayad ng mga babaeng itini-table.

Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE ukol sa pagkalulong ng sport official sa mga bahay-aliwan na malamang na hindi alam ng kanyang misis dahil abala ang babae sa kanyang career.

Nabatid na malimit na laman ng mga bahay-aliwan ang sport official at dahil maimpluwensya ang kanyang kinabibilangang pamilya, hindi na ito sinisingil sa kanilang mga nilaklak na alak at nilamong pulutan.

Ang malupit lang sa lahat, hindi lamang ang sport official ang pumupunta sa mga bahay-aliwan kundi nagbibitbit pa ito ng sangkaterbang barkada na animo’y nagti-treat na walang gastos.

Wala naman umanong problema kung hindi magbayad ang sport official pero malupit umano ito sa mga babaeng ka-table dahil hindi ito marunong magbigay ng tip.

Wala raw kasing bayad ang mga babaeng itini-table ng sport official at ng kanyang barkada as in libre rin pero dahil walang kikitain ang mga bebot ay dapat magbigay ang mga ito ng tip.

Kabubukas pa lamang daw kasi ng club ay naroroon na ang sport official kasama ang sangkaterbang barkada at agad na kumukuha ng mga babaeng makakasama sa VIP room para yakapin at himas-himasin as in lalamutakin.

Hindi bababa umano sa anim na oras kung magbabad sa club ang sport official at magbigay man ng tip ay P500 lamang na kulang pang pang-taxi ng mga babae sa pagpasok at pag-uwi.

Dahil dito, pinagtataguan ng mga babae ang sport official at kapag walang gustong tumeybol sa kanya ay pinapagalitan ang mga tao sa loob ng club na animo’y nagbabayad.

May pagka-kumag din ang mokong dahil kapag alam nito na iniiwasan na siya ng mga bebot dahil nalulugi sa kanya, tatawagan nito ang mga may-ari ng club para magsumbong.

Clue: Si sport official ay matindi ang koneksyon sa pulitika. Binansagan itong hambog na kuripot ng mga nabiktimang mga bebot sa mga club. Kapangalan nito ang mga maliliit na bagay na nasa tabi ng pinaglalaruan ng mga bata pagkatapos mag-swimming. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top