Editorial

Spy on the Job

For the record


 

EDITORIAL

AFP ultimatum


Mula sa naunang kalmadong pagtanggap sa patraydor na pagpatay ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), unti-unti ay tumutulis ang pangil ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panibagong pahayag ng liderato ng AFP, binigyan na nito ng pitong araw ang MILF upang isuko ang mga kasapi nilang responsable sa karumal-dumal na krimen.

Tiniyak ng Sandatahang Lakas na gagamitin ang kanilang buong lakas upang lipulin ang mga rebeldeng umaktong mga barbaric sa pagpaslang sa mga miyembro ng Marines.

Mismong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi naging padalus-dalos sa desisyon kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginawang karahasan ng MILF.

May hangganan din ang pagbibigay ng pamahalaan, lalo na sa mga grupong tulad ng MILF na nakasukob sa peace talks na isinusulong ng pamahalaan para sa pagtamo ng totohanang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

Sa pagkaubos ng pasensiya ng AFP kapag patuloy na inisnab ang 7-day ultimatum, naniniwala kaming nasa likod ng mga sundalo ang taumbayan sa pagtugis sa mga rebeldeng lumapastangan sa mga kawal na ang tanging misyon ay hanapin ang kinidnap na Italyanong pari na si Giancarlo Bossi.

Simulan na ang pagbibilang bago dumating ang takdang araw ng pagtatapos ng ultimatum.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top