NOBYO, 2 TROPA DINAMPOT SA RAPE SLAY

Cellphone, hinablot
habang nagte-text

Barbero, timbuwang sa nakabarong

Pari kakasuhan ng theft 
at estafa sa nawawalang santo

Supervisor, niratrat 
sa harap ng anak

Opisyal at stockholders na sabit sa fuel oil smuggling kakasuhan


Top Stories

Hulaan Blues  


 

CRIME STORIES

NOBYO, 2 TROPA DINAMPOT SA RAPE SLAY

(Vladi Eduarte)


Tatlong lalaki na ang nadadakip ng Binangonan Police kaugnay sa kaso ng dalagang natagpuang patay at umano’y hinalay sa bakanteng lote sa nabanggit na bayan sa Rizal.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Jeremy Tagle, isa sa mga pinipigilan ay si Jericho Beato, 22, boyfriend umano ng biktimang si Globeth Gutierrez, 22. Si Beato at isa pang nakilala sa pangalang Darwin Dematera, 29, ay nahuli ng Binangonan Police Station noong Lunes.

Martes naman ng umaga, nahuli rin sa Bgy. Tayuman, Binangonan, si Alfredo Encina, 18. Hindi pa masiguradong pulisya ang partisipasyon ni Encina sa krimen pero itinuturo umano nina Beato at Dematera na kasama rin nila ito sa pagsasagawa ng krimen.

Ilang testigo ang nagsabi sa pulisya na sina Beato umano ang nakitang huling kasama ni Globeth.

Hindi pa nakukuhanan ng salaysay ang mga nahuli dahil hinihintay pa ng pulisya na magkaroon sila ng abogado.

Gayunman, inamin umano nina Beato na ginalaw nila si Globeth pero hindi malinaw kung silang tatlo ang gumawa ng kahalayan sa biktima.

Base sa pagsisiyasat ni PO2 Tagle, Linggo ng hapon ay nagsimba si Globeth at pag-uwi ay nagbihis lang umano ito at lumabas muli ng bahay nila dahil may usapan daw sila ni Jericho na magkikita. 

   

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top