|
Victory no. 3 imamarka ng Altas, Stags Federer at Nadal, pasok sa Tennis Masters Wade, di pa handa sa training camp Pasay derby elims tuloy ngayon
|
SPORTS
UPDATE
Si Chot ang sisihin Maganda ang ipinamalas na performance ng RP team sa katatapos na four-nation Manila Invitationals dahil nag-champion . Pero marahil hindi pa dapat tayo magbunyi sa dahilang hindi pa naman iyon ang pinaka sa pinaka kundi ang Tokushima Olympic qualifying. Gayunpaman, nahaharap si national coach Chot Reyes sa isang matinding hamon 11 days bago ang Fiba-Asia Championship na siyang magpapasya kung makakalaro ang Pilipinas sa Beijing Olympics. Halos basagin siguro ni Coach Reyes ang ulo kung sinu-sino ang kanyang pipiliin sa mga players na nasa national pool sa kasalukuyan. Kung meron man sigurong dapat na sisihin ay walang iba kundi ang sarili sa dahilang masyadong malikot ang kanyang utak kung anong klaseng materyales ang kanyang dadalhin sa Tokushima. Isipin na lamang ninyo mula sa torneo na nilahukan ng national team, laging merong bagong player na nadaragdag sa line-up. Pati sa katatapos na Jones Cup nagdagdag na naman siya ng players, although nauna na niyang inihayag na ang Taipei tournament ang magiging basehan niya para sa final 12. Pero hindi rin niya nagawa at dito nga sa Manila Invitationals na nilahukan ng China, Syria at Lebanon eh, 15 players pa rin ang inilagay niya sa line-up. Hindi niya ginamit ang injured na si James Yap. Dahil nag-champion nga ang Pilipinas sa four-nation tournament, lalo pang naging kumplikado kay Reyes ang pagpili. Kahapon, kumuha ang RP squad ng passport patungong Tokushima, Japan, pero wala paring ipinalalabas na opisyal na line-up ng mga players na maglalaro doon. Lalo na at may problema sina Fil-am Gabe Norwood sa kanyang citizenship papers at Kelly Williams na walang Philippine passport. Kung tutuusin eh seeded na ang dalawang ito sa final 12, pero meron ngang problema. Ewan ko nga ba dito kay coach Chot kung bakit, masyadong nagpatumpik-tumpik sa pagpili gayong napakatagal na niyang kasama ang mga players na iyon. Ibig bang sabihin hanggang ngayon hindi parin niya mabasa ang mga laro ng kanyang mga players sa kabila na isang damukal na international tournament na ang kanilang pinagsamahan. Pag ganyan ewan ko kung ano ang mangyayari . |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|