GOING FOR THE KILL

Victory no. 3 imamarka ng Altas, Stags

Federer at Nadal, pasok sa Tennis Masters

Wade, di pa handa sa training camp

Pasay derby elims tuloy ngayon


Laykdatan


 

SPORTS UPDATE

Wade, di pa handa sa training camp


LAUDERHILL, Fla. (AP) --- Umabot sa daang-katao ang sumaksi sa ceremonial 16-footer shot ni Dwayne Wade noong Lunes para opisyal na buksan ang pinagandang basketball court sa isang city park.

Ang sinaksihang tirang iyon ay matatagalan pang makita uli ng Heat fans.

Bagamat sinabi ni Wade na maganda ang takbo ng knee at shoulder rehabilitation niya, ang 2006 NBA finals MVP ay duda pang makakabalik sa Miami sa pagbubukas ng training camp sa kaagahan ng Oktubre - bagay na naglagay ng duda kung ang top scorer ng Heat ay makakalaro pagdating ng regular season.

"I’m a fast healer, but my doctor really wants to make sure I’m well and I’m healthy and we don’t have to go through this process again," tugon ni Wade.

"He’d rather for me not to rush back to get in training camp and maybe aggravate something early in the season."

Si Wade ay sumailalim sa surgery noong Mayo 15. Aniya, ang kanyang operasyon sa tuhod ay tipikal na sinusundan ng isang 3-month rehab program.

Magbubukas ng regular season sa katapusan ng Oktubre.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top