|
Victory no. 3 imamarka ng Altas, Stags Federer at Nadal, pasok sa Tennis Masters Wade, di pa handa sa training camp Pasay derby elims tuloy ngayon
|
SPORTS
UPDATE
Victory no. 3 imamarka ng Altas, Stags Itutulos ng San Sebastian at Perpetual ang mga unang magkakabit na pananaig ngayong taon sa pagsalubong sa magkaibang oposisyon sa NCAA. Magbabalik sa bench ng Altas si coach George Gallent sa pakikihamok nila sa Blazers ng St. Benilde sa alas-dos ng hapon. Sa main game sa alas-kuwatro ng hapon naman makakatuos ng Altas ang nangungulelat na Mapua. Nasa pang-apat at tumetersera ang Stags at Altas sa 2-2 at 2-3 records, ayon sa pagkakabanggit, kung saan kapwa umaasa ang dalawa na makakatutok sa league leaders na San Beda at Letran. Parehas na walang talo ang defending champion Red Lions at Knights sa tig-apat na mga sabak. Sa kabila ng pagliban ni Gallent, na nagsilbing isang larong suspension, nalaktawan pa rin ng Recto-based dribblers ang Cardinals 66-62 na lumagot sa kanilang kambal na pagsemplang noong Biyernes. Bumalikat sa atake ng Baste si Jim Viray na kumana ng 17 points, subalit ang 6-foot-8 forward na si Jason Ballesteros ang nanalasa sa endgame kabilang ang mahalagang dalawang free throws.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|