|
Victory no. 3 imamarka ng Altas, Stags Federer at Nadal, pasok sa Tennis Masters Wade, di pa handa sa training camp Pasay derby elims tuloy ngayon
|
SPORTS
UPDATE
GOING FOR THE KILL Aces di na pahihiritin ng P’Pals (Ramil Cruz) Salat na ng Talk ‘N Text ang championship trophy. At puwede nang mapormalisa ang pag-angkin dito kapag tinapos ngayong alas-7:05 ng gabi ang Alaska. Nakatanggap ng makinang na laro kay Jay Washington sa kauna-unahang pagkakataon sa serye noong Linggo kasama ang sa subok nang si JJ Sullinger, ang TNT para samsamin ang 107-104 decision at ang 3-2 lead sa best-of-seven series kontra Aces. Ang athletic duo ay may pinagsamang 14 points sa endgame na sumigurado sa tagumpay ng kanilang hukbo. Naghangad ito ng unang conference title na may imports o pangalawa sa regular conference matapos masakote ang 2003 All-Filipino Cup at pangatlo sa pangkalahatan kung isasama ang 1998 Centennial Cup, ang side tourney lang ng 1998 Governors Cup. Matagal na ang apat na taon para sa Pangilinan franchise upang masundan ang huling titulo sa may 11 taon na sa pro league o sapul na halinhinan ang prangkisa ng Pepsi umpisa sa 1996 Commissioner’s Cup. "We’ve long waited for this (championship). Now we’re so close I just hope the guys could get the job done," bigkas ni Derick Pumaren. Idinagdag ng Phonepals mentor na wala na marahil dahilan para sa kanila upang hindi itodo na ang lahat-lahat ng mga alipores niya ang dapat gawin at malaktawan ang Aces lalo na’t dala pa ang niladlad na postura at kakaibang karakter sa last game para sa pagtangan din nilang muli sa momentum.. Malaking papel pa rin ang inaasahan kina Mark Cardona at Donbel Belano na kapwa patok sa finals MVP award, Harvey Carey, Yancy de Ocampo at Don Allado. Subalit ‘di malayong magising at umalma pa ang Aces.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|