Allan Diones

Abu Tilamzik  

Jun Lalin


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

TONI AT PAUL, UMAMIN NA


Umamin na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano (apo ni Nestor de Villa, anak ni Jeric Soriano) sa kanilang relasyon kahapon sa taping ng Boy and Kris.

More than a month na silang magkasintahan at sabi nina Boy Abunda at Kris Aquino, malaking karangalan para sa kanila na sa Boy and Kris umamin sina Toni at Paul.

Maraming kinilig sa interbyu nina Kuya Boy at Tetay sa magkasintahan. Ang studio audience at staff ay sigaw nang sigaw ng, "Kiss! Kiss! Kiss!" na pinagbigyan ng magkasintahan.

Maraming revelations sina Toni at Paul tungkol sa kanilang relasyon, kaya tutukan ninyo ang Boy and Kris sa Biyernes.

Sa Linggo ay magge-guest ang magkasintahan sa The Buzz at iinterbyuhin sila ni Ruffa Gutierrez.

Guests din sa episode ng Boy and Kris sa Biyernes sina Ruffa, Phoemela Barranda at Wendy something ng PBB.

***

Kahapon ay nakabalik na ng bansa ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila.

Isinalubong namin kay Tita Becky ang ilang intriga tungkol sa premiere nights ng pelikulang Angels sa Amerika.

Naintrigang mahina ang San Diego premiere nila at kaya nakansela ang premiere sa Los Angeles ay dahil kokonti ang bumili ng tiket.

Imbes na mairita, natawa si Tita Becky sa ilang isyu na ipinupukol sa kanila. Pati ‘yung intrigang nag-away sina Angel at Marvin Agustin pagkatapos ng premiere nila sa San Diego ay nilinaw ni Tita Becky.

"That’s not true. Hindi nag-away sina Angel at Marvin. Close lang naman ‘yung dalawa. Si Marvin, dumating ng San Diego, July 6 na at nauna kami ng July 5.

"July 7 na namin nakita si Marvin at um-attend siya sa premiere night.

"Walang naging problema sa kanila ni Angel. May iba lang inasikaso si Marvin, kaya hindi siya nakapunta sa San Francisco premiere night namin. Pero aware ako sa bagay na ‘yon.

"Iyung sa L.A., hindi na lang namin itinuloy dahil hindi nga naayos. ‘Yung sa San Francisco naman, okey naman ang naging takbo.

"Iyung ibang kuwento na nakarating sa ‘yo, hindi totoo, pero ayaw ko na lang sagutin, kasi, puro kuwento lang naman at walang naglalabasan," sabi ni Tita Becky.

Nabalitaan namin na nag-away sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa isang promo.

"Tama ‘yung nakarating sa ‘yo, na nagutom na si Patrick, kaya hindi na niya nahintay si Jen at kumain na siya, kaya nagtampo si Jen.

"Cute naman ang dalawang ‘yon kapag nagtatampuhan," sabi ng talent manager.

Naikuwento rin sa amin ni Tita Becky na may isang pelikulang iniaalok kay Angel na dito sa ‘Pinas ang shooting, pero pang-international release raw.

Malamang daw na si Jericho Rosales ang makapareha rito ni Angel kung sakaling matuloy.

***

Isang executive ng ABS-CBN 2 ang nagsabi sa amin na hindi totoo na kumpirmado na ang paglipat ni Angel Locsin sa kanilang bakuran.

Wala pa raw negosasyon.

"Wala pa kaming formal offer kay Angel. Wala pa talaga at ‘yan ang totoo. Nagtataka rin kami sa mga naglalabasang sigurado na ang paglipat sa amin ni Angel.

"Iyung sinasabing may Daddy’s Angel series na gagawin sa amin si Angel, hindi totoo ‘yon. Pati ‘yung sinasabing si Boyet (Christopher de Leon) ang makakasama niya sa show na ‘yon, eh, hindi rin totoo.

"Eh si Boyet, sa book two ng Maging Sino Ka Man kasama.

"Kami mismo eh nagulat noong kumalat na nakikipag-meeting na raw sa Dos si Angel at ‘yung manager niya. Kumalat pa na nandoon na sila sa office ni Gabby Lopez. Hindi naman totoo.

"Nagbibiruan pa nga kami noong may tumawag na nasa Dos daw si Angel at nakikipag-meeting. Sabi ko nga kay ______ (pangalan ng isa pang executive), tingnan sa ilalim ng mesa at baka nandoon si Angel.

"Basta, wala pa talagang negosasyon. Pero kung gusto niyang lumipat, pwedeng pag-usapan, basta wala na siyang commitment sa GMA 7," pahayag ng executive na kausap namin.

Nilinaw rin ng executive na kausap namin na hindi sila mag-o-offer ng times three na talent fee kay Angel.

"Hindi kami mag-o-offer ng ganyan kalaki. Hindi talaga," paglilinaw pa ng kausap namin.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top