Willie, nagpiyansa

Hunk actor, pinagbawalan ng mayamang bading

Pralala et cetera

Nangunguna sa kalaswaan


Showbiz Today

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Willie, nagpiyansa

 (NOEL ABUEL)


Nagpiyansa si Willie Revillame kahapon sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong isinampa ng asawa niyang si Floralice "Liz" Almoro.

Inirekomenda ng korte na magpiyansa si Willie ng P12,000 para pansamantalang makalaya.

Sinabi ni Assistant City Prosecutor Gibson Araula Jr. na sapat ang ebidensyang hawak nito laban kay Willie hinggil sa paglabag sa Republic Act No. 9262, o Protection of Women and Children from Violence.

Samantala, nakatakdang magsampa ng Petition for Review sa QC Prosecutor’s Office ang abogado ni Willie na si Atty. Raymond Fortun sa loob ng 15 araw.

Sa resolusyong inilabas kamakailan, sinabi ni Araula na nagkaroon ng probable cause ang korte sa paglabag sa RA 9262 dahilan sa mga naranasan umano ni Liz kay Willie na mental anguish, public ridicule at humiliation experience.

Sa kanyang reklamo noong Oktubre 2006, iginiit ni Liz na tinakot siya ni Willie na sasaktan maging ang kanilang anak nang minsang magtalo sila.

Nangyari umano ang insidente sa loob ng kanilang tahanan sa Ayala Heights Village, Quezon City.

Itinanggi ni Willie ang paratang ni Liz at sinabing siya’y naging mabuting asawa at tagasuporta ng pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top