FOR THE RECORD

Ni Bernard Taguinod

Editorial

Usisero

Sanggang-diin


 

OPINION

Human Security Act


Hindi makatutulong sa ating bayan ang mga masasamang hinala sa bagong batas na Human Security Act.

Ang layunin ng anti-terrorism law na ito ay puksain lamang ang mga teroristang naghahasik ng kaguluhan.

Naniniwala tayo na mas magiging maingat ang mga awtoridad ngayon dahil aabot sa kalahating milyong piso ang imumulta sa kanila kada araw ng pagkakakulong kapag mali ang kanilang dinampot na akusado.

Bigyan muna natin ng tiyansa ang batang-batang batas na ito bago tayo maglabas ng mga walang basehang espekulasyon.

***

SONA

Kung totoo ang mga leakages sa nilalaman ng SONA ng Pangulong Arroyo, magandang balita ito para sa buong bansa.

Mismong si Press Secretary Ignacio Bunye ang nagkumpirma na ang magiging tema ng State of the Nation Address ng Pangulo ay ang tungkol sa pagpapalit ng estado ng bansa mula sa kasalukuyang Third World ay nakatingin na ang Punong Ehekutibo sa First World.

Totoong hindi ganoon kadaling makamit ang First World status pero mahalaga pa ring maging matayog ang ating mga pangarap.

Para sa kapakanan ng ating mga kababayan, ang mga bansang kahanay ng First World ay ang Germany, France, Japan, United States at iba pang mga mauunlad na bansa na halos kasapi ng tinatawag na G-8.

Kung magpapatuloy ang progresong nangyayari sa bansa hanggang sa susunod na dalawampung taon ay hindi malayo sa katotohanan na mapabilang tayo sa First World.

Ang kailangan lamang ay ma-sustain ang economic growth ng bansa kahit matapos na ang termino ni Mrs. Arroyo sa 2010.

***

MILF ambush

Dapat talagang panagutin ang MILF sa kanilang barbaric na pagpatay sa mga sundalo ng Philippine Marines.

Sa ngayon ay pinananatili pa rin ng Pangulong Arroyo at ng AFP ang kahinahunan sa kabila ng ginawang pag-atake sa ating mga sundalo.

Pero kung sa tingin ng mamamayan, hindi na dapat pang maging malambot ang approach sa mga rebeldeng MILF dahil sukdulan ang kanilang ginawang kapangahasan.

Naniniwala tayo na kailangang magdesisyon si Presidente Arroyo sa lalong madaling panahon para gamitan ng kamay na bakal ang MILF na nagkukubli sa peacetalks.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top