|
Troop deployment HSA mas kinatatakutan
|
TOP
STORIES
HSA mas kinatatakutan sa extra-judicial killings(Irish Ann Cruz/Rey Marfil/Aries Cano) Ngayong ganap nang ipinatutupad ang anti-terrorism law, kumbinsido ang ilang religious group na lalong lalala ang insidente at kaso ng extra-judicial killings sa bansa. Ayon kay Bishop Godofredo David, Supreme Bishop ng protestant group na Iglesia Filipina Independiente, dapat na higit na maging mapagmanman at mapagmasid ang sambayanan kaugnay ng umiiral ngayon na Human Security Act (HSA) o Anti-Terror Law. Sa pagpapatupad ng naturang batas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, pinangangambahan aniyang lalong lalala ang insidente ng pagdukot at political killings sa mga taong lantarang bumabatikos at kumakalaban sa gobyerno. Kasabay naman ng pagkuwestyon ng militanteng grupo sa Supreme Court (SC), idinepensa ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang HSA at sinabing matino ang inaprubahang batas at walang dapat katakutan ang publiko subalit walang katiyakang hindi ito gagamitin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo laban sa oposisyon. May katwiran ang militanteng grupo na magparesponde sa Korte Suprema, ayon kay Lacson lalo pa’t nakasanayan ni Mrs. Arroyo ang gumamit ng puwersa para takutin ang mga kalaban sa pulitika at kontra sa kanyang administrasyon. Samantala, kasabay ng dalawang araw na National Consultative Summit on Extra-judicial Killings and Enforced Disappearances na pinangunahan ng SC, nag-rally sa Plaza Salamangka sa Kalaw, Maynila nagsama-sama kahapon ng hapon ang mga militanteng estudyante upang hatulan umano ng "guilty" si Mrs. Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng extra-judicial killings at pagdukot. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|