20-TAONG KULONG SA CYBERSEX

RP bina-blackmail ng China

Gloria hawak sa leeg

Troop deployment
sa SONA, overacting

GMA laging bagsak sa rating

HSA mas kinatatakutan
sa extra-judicial killings


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

GMA laging bagsak sa rating

(Bernard Taguinod)


Ang kabiguan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maiparamdam sa taumbayan ang ipinagmamalaki nitong pag-angat ng ekonomiya ng bansa at ang mapanupil nitong patakaran ang patuloy na nagpapabagsak sa kanyang satisfactory rating.

Ito ang opinyon ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza matapos maitala sa survey ng Social Weather Station (SWS) ang pinakamababang satisfactory rating kumpara kina dating Pangulong Corazon Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada.

Tanging si Arroyo ang nakakuha ng 42% na rating kumpara sa 67% na naitala ni Estrada habang mas mataas naman sina Ramos at Aquino.

Ayon kay Maza, inaasahan na nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makukuha ni Arroyo ang suporta ng taumbayan dahil wala umanong nagbago sa buhay ng mga Filipino sa loob ng anim na taong panunungkulan nito.

Bagama’t laging ibinabandera umano ng Malacañang ang paglago ng ekonomiya ng bansa, hindi ito nararamdaman ng taumbayan dahil patuloy ang paghihikahos ng mas nakakaraming Filipino.

"Dahil sa authoritarian o mapanupil niyang pamumuno at hindi rin naman umaalwan ang pang-ekonomiyang buhay ng taumbayan kaya bagsak siya," pahayag ni Maza. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top