20-TAONG KULONG SA CYBERSEX

RP bina-blackmail ng China

Gloria hawak sa leeg

Troop deployment
sa SONA, overacting

GMA laging bagsak sa rating

HSA mas kinatatakutan
sa extra-judicial killings


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Troop deployment sa SONA, overacting

(Irish Ann Cruz/Rey Marfil)


Tinawag kahapon ng ilang matataas na lider ng Simbahang Katoliko na "OA" o overacting ang ginawang pagde-deploy ng may libu-libong pulis para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa darating na Lunes.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa panayam nito sa Radio Veritas, nakapagtataka na kinakailangan pa ng "super task force" para sa nalalapit na SONA ni Arroyo.

Tila isang indikasyon aniya ito na mayroong malaking ikinatatakot ang pamahalaan kung kaya’t kinakailangan pa ang napakalaking puwersa ng mga pulis para bantayan lamang ang nasabing araw.

Sinabi pa ni Cruz na hindi rin siya naniniwala pa sa anumang sasabihin ni Arroyo sa kanyang nalalapit na SONA dahil sa dalawang SONA na aniya nitong nakaraan ay wala rin namang nabago sa bansa at wala ring kinahinatnan ang mga sinabi nito.

Samantala, kapwa kinumpirma nina Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr. at Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang pagboykot sa SONA ni Mrs. Arroyo ngayong Hulyo 23 sa Batasan Complex kung saan magkakaroon ng joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top