|
Troop deployment HSA mas kinatatakutan
|
TOP
STORIES
Gloria hawak sa leeg (Rey Marfil) Ito ang naging paglalarawan ni Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr. kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil hindi umano nito magawang tablahin ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa extra-judicial killings. Ayon kay Pimentel, hindi makaporma si Mrs. Arroyo sa isyu ng extra-judicial killings dahil hawak ito sa leeg ng mga heneral at natatakot na bawian ng suporta kapag kinastigo ang mga sangkot sa patayan. Kung susuriin ang kapangyarihan ni Mrs. Arroyo, halos nag-uumapaw para kastiguhin at parusahan ang mga tauhan ng AFP, maging ang Philippine National Police (PNP) na sangkot sa extra-judicial killings at iba pang paglabag sa karapatang-pantao. "That should be stopped by GMA as President. But she can’t do it because she’s captive of some general," ani Pimentel, isa sa kilalang human rights advocate ng bansa. Kaugnay nito, pinagtawanan ni Pimentel ang paghingi ng 3-year ceasefire ni AFP chief of staff Hermogenes Esperon bilang solusyon sa kaliwa’t kanang patayan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|