20-TAONG KULONG SA CYBERSEX

RP bina-blackmail ng China

Gloria hawak sa leeg

Troop deployment
sa SONA, overacting

GMA laging bagsak sa rating

HSA mas kinatatakutan
sa extra-judicial killings


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Puspusan ang ginagawang pagsasanay ng Elite Special Action Force ng Philippine National Police bilang paghahanda sa seguridad ng Philippine International Convention Center kung saan gaganapin ang 40th ASEAN Ministerial Meeting at ASEAN Regional Forum sa July 27. (AP)

20-TAONG KULONG SA CYBERSEX

NI Rey Marfil


Sa harap ng eskandalong ipinupukol sa liderato ng Philippine National Police (PNP) matapos makitaan ng malaswang larawan sa friendster webpage ang isang babaeng tauhan ng pulisya, itinulak ni administration Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., ang pagpapataw ng dalawampung taong pagkabilanggo sa sinumang masasangkot sa cybersex.

Ayon kay Revilla, chairman ng Senate committee on information and mass media, nakakabahala ang lumalalang pornograpiya sa Pilipinas, kabilang ang Internet at ilan pang high-tech na pamamaraan, katulad ng cybersex na nauuso ngayon sa hanay ng mga kabataan.

Nauna rito, naging isang mainit na eskandalo sa PNP ang kaso ng isang policewoman na ngayo’y tinaguriang "Friendster Cop" matapos makita ang larawan nito na nakasuot umano ng kulay pulang bra sa kanyang Friendster account. Bagama’t itinanggi ng policewoman na siya ang nasa larawan at siya ang nag-upload nito sa Friendster, iniimbestigahan na ito ng pamunuan ng PNP.

Bukod dito, isa namang malaking cybersex den sa Quezon City partikular ang ‘Sexy Asian Cams’ sa Cubao ang natuklasan at ikinandado ng pulisya ng nakaraang linggo.

Mas lalo pang nakakapangilabot at nakakabahala, ayon kay Revilla, ang resulta ng pag-aaral na ginawa ng mga dayuhan kung saan umakyat ang Pilipinas bilang No. 2 sa buong Asya na pinamumugaran ng cybersex at No. 4 sa child pornography.

Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 12, mas kilalang Anti-Pornography Act, inirekomenda ni Revilla na magkaroon ng ngipin sa batas at itaas ang kaparusahan upang matuldukan ang paglaganap ng cybersex at iba pang uri ng malalaswang panoorin sa cyberspace at maging sa cellular phones.

Sinumang magpapakita, magpapalaganap at magbebenta ng pornographic materials, ito’y maaaring makulong ng 12 hanggang 20 taon, hindi kabilang ang P250 libong multa habang pagkabilanggo ng 12 taon at multang P100 libo sa sinumang kasabwat.

"Hindi malinaw ngayon ang batas tungkol sa pornography. Kahit nga mapaghuhuli pa natin at masampahan ng kaso ang mga utak nito, hindi naman nila iniinda ang mga kaparusahan kaya wala ring epekto. Naisip ko na itaas ang parusa," ani Revilla.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top