|
PAMUMUGOT SA MARINES SALAULA-- Ceasefire ni Esperon 3 lugar sa Metro Strunk naghihikahos bago nag-suicide Naglitawang scam gigibain ng NBI
|
CRIME
STORIES
PAMUMUGOT SA MARINES SALAULA-- MILITANTENG SOLONS Ni BERNARD TAGUINOD Mariing kinondena nina Party-list Reps. Satur Ocampo ng Bayan Muna at Liza Maza ng Gabriela sa pagsalaula umano sa mga bangkay ng 10 sa 14 na sundalo ng Philippine Marines na napatay matapos makasagupa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan. Ayon sa dalawang kongresista na mahigpit na kritiko ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang sila sa mga nadismaya sa klase umano ng pagpatay sa Marines na bukod sa pinugutan ay pinagputol-putol pa ang mga katawan. "Lampas na sa rules of war ang ginawa sa mga Marines at hindi yun katanggap-tanggap," pahayag ni Ocampo subalit ayaw nitong magsalita ukol sa alegasyon na ang MILF guerillas ang may kagagawan nito. Ipinaliwanag ni Ocampo na kahit sa ibang bansa kung saan mga dayuhan ang napapatay, hindi ginagawa ang ganitong klase ng pagpatay sa mga sundalo. "Kakonde-kondena ang nangyari sa mga Marines. Critic kami ng sundalo dahil sa pagkakasangkot nila sa extra-judicial killings pero hindi namin matanggap na salaulain ang kanilang bangkay ng ganyang klase," ayon naman kay Maza. Maging ang mga ulat na tinatawagan pa ng mga rebeldeng Moro ang mga kaanak ng mga Marines na kanilang pinugutan ay hindi nagustuhan ni Maza dahil nakakadagdag umano ang mga ito ng sama ng loob ng mga naulila. "Yung mga kababayan natin galit sa nangyari, ano pa kaya sa pamilya ng mga sundalo lalu’t tatawagan pa para ipaalam ang kanilang ginawa, masakit iyon. Hindi yun gawain ng taong nasa matinong pag-iisip," anang lady solon. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|