|
4 dehado nalo sa Roligon 'Hatawan' Anta, kasangga ng UAAP at 'NC'
|
SPORTS
UPDATE
Anta, kasangga ng UAAP at 'NC' Ang Anta, isa sa kilalang sports shoe at apparel brands sa Asya’y nakipagkapit-bisig sa UAAP at NCAA Press Corps kamakailan para sa pagpaparangal sa pinakamagagaling na manlalaro sa dalawang pinakaprestihiyosong collegiate leagues sa bansa. Susuportahan ng Anta, kasama ng distributor nitong JPT Marketing ang mga Player of the Week ng media groups, pati na rin ang awarding rites matapos ang basketball season. Ang dalawang grupo ay binubuo ng manunulat mula sa nangungunang broadsheets at tabloids sa bansa na nagkokober ng UAAP at NCAA. Sila ang pumipili ng lingguhang tampok na varsity player na nagpamalas ng angking husay para tulungan ang kanyang koponan. Ang Anta na nagpakilala ng makabagong technology sa basketball at running shoes na tinatawag na A-Core o Magnetic Core, ay magbubukas ng unang retail outlet nito sa ikalawang level ng Trinoma Mall sa Quezon City. Plano nitong iestablisa ang flagship stores sa High Street sa The Fort sa Taguig.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|