NOT YET TIME TO CELEBRATE

'Talk' puro na sa bingo

Ateneo bagsak sa Warriors

4 dehado nalo sa Roligon 'Hatawan'

The Great UP Run, Aug. 26

Anta, kasangga ng UAAP at 'NC'

Anniv derby sa Pasay ngayon


SPORTS UPDATE

The Great UP Run, Aug. 26

(Ramil Cruz)


Idaraos ng UP Euro at Sta. Lucia Realty & Development Corporation ang The Great UP Run sa Linggo, Agosto 26 ng ala-6:00 ng umaga paalis at pabalik sa University of the Philippines Academic Oval sa Diliman, Quezon City.

May P64,000 na cash, P18,000 na gift certificates at 2,400 Otto sandals ang tampok na mga nakatayang papremyo sa event na may mga kumpetisyon sa 10-kilometer at 5km Open men’s and women’s, 5k UP varsity/UP students men’s & women’s at 2.2k 13 years & below boy’s & girl’s.

Para sa karagdagang mga detalye, makipag-ugnayan lamang kay Len Sayoc sa cellular phone na 0927-938 6168 o kay Rio dela Cruz sa 0906-3143807 o sa telephone niyang 681-8353.

Inihayag din nila Dela Cruz na isa ring aktibong mananakbo, na maglalagay siya ng sports media run category para sa mga sportswriter at photographer ng national broadsheet at tabloid newspapers na kokober sa nakatakdang maging 4-in-1 footrace na ito. Kasagsagan na ang rehistrasyon na binuksan noong Lunes, Hulyo 2 at magsasara sa Biyernes, August 24 sa UP College of Human Kinetics VAAS Office mula Lunes hanggang Biyernes at sa mga booth sa Acad Oval tuwing Sabado’t Linggo. Ang mga hindi estudyante ng UP ay sisingilin ng P200 bawat isa. Ang mga mag-aaral ng UP ay magbabayad lang ng P150 kagaya ng mga may 13 taong gulang at pababa na lalahok.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top