|
4 dehado nalo sa Roligon 'Hatawan' Anta, kasangga ng UAAP at 'NC'
|
SPORTS
UPDATE
Ateneo bagsak sa Warriors (Ace Pasco) Sumasalamin kung bakit yakang-yaka ng University of the East ang Ateneo kahapon, si forward Elmer Espiritu ang tumayong bayani para kay coach Dindo Pumaren sa 76-73 panalo ng Red Warriors kontra Blue Eagles para sa ikatlong sunod na pananalasa at liderato sa UAAP men’s basketball sa Ninoy Aquino Stadium. Ang 6-foot-4 na si Espiritu’y tipikal na UE bigman laban sa mas malalaki’t malalapad na Ateneo slotmen gaya ni 6-foot-7 Rabi Al-Hussaini at 6-foot-6 Ford Arao: payat pero maliksi, mabilis parang kiti-kiti at may maaasahang tira sa labas. Nangibabaw ang mga katangiang ito kahapon sa pagbigay sa Eagles ng unang kabiguan sa tatlong laro, salamat sa dalawang krusyal na baskets ni Espiritu sa endgame. "Espiritu made some big shots. That was very big for us," ani Pumaren sa postgame interview patungkol sa isang inside stab at isang turnaround shot sa kaliwang baseline sa loob ng last two minutes. Ang unang tira ni Espiritu ang naghatag ng 72-71 lead sa UE, 1:14 na lang sa laro na may kasama pang foul mula kay Siverino Baclao. Hindi niya nakumplato ang three-point play pero binawi niya ito sa pamamagitan ng swabeng paikot na tira na nagtatak ng 74-71 bentahe may 34.1 segundo na lang sa orasan. Nagtapos si Espiritu, mas kilala sa kanyang depensa, sa 9 points, 6 rebounds at 1 block habang nanguna para sa Warriors si sophomore Lee Paul sa 13 puntos katambal sina Kelvin Gregorio at Hans Thiele na may 12 at 10. Si James Martinez na may 9 markers din ang nagsarado ng pintuan sa Ateneo sa pagkana ng dalawang freethrows, 7.9 sa laban bago ang desperation shot ni Jay Reyes na tinamaan ang butiki sa backboard. Ani Pumaren, pinaghandaan nila ang Ateneo big men at nagbunga ang kanilang preparasyon sapagkat sa unang pagkakataon sa tatlong laro’y na-outrebound ang nagtatangkarang Eagles, 42-44. Sa isa pang laro, bumira si Jonathan Fernandez sa 12 sa kanyang team-high 23 puntos sa ikatlong yugto sa 86-79 pangangagat ng National U Bulldogs sa UP Maroons. Tabla sa 2-1 slates ang Bulldogs at Eagles samantalang segunda ang La Salle sa 2-0 karta. Ikaapat ang FEU sa 1-1 record, ikalima ang Adamson at defending champion UST sa 0-2 at kulelat ang Maroons sa 0-3 mark.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|