|
4 dehado nalo sa Roligon 'Hatawan' Anta, kasangga ng UAAP at 'NC'
|
SPORTS
UPDATE
‘Talk’ puro na sa bingo Ni Ramil Cruz Kumbaga sa bingo, purumpuro na ang Talk ‘N Text para mapanalunan ang kampeonato ng Talk ‘N Text Philippine Basketball Association Fiesta Conference. Sa Game Five kagabi ng kanilang best-of-seven Finals ng Alaska Milk, bumweltang mapuwersa ang TNT sa endgame upang matabig ang AM, 107-104, para sa 3-2 lead sa Big Dome. Salamat sa walang kapagurang laro nina James Todd Sullinger, Best Player of the Conference Mark Cardona at Harvey Carey na silang mga nagkapit-bisig sa 9-5 attack sa pinaleng dalawang minuto sa pagbawi ng Phone Pals mula sa Game Four 82-86 loss. Susubukang kumpletuhin ng kampo ni coach Frederick Pumaren na tapusin ang Aces sa pagtipa ng Game Six sa makalawa ng alas-7:05 ng gabi sa Quezon City playing-venue rin. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|