|
4 dehado nalo sa Roligon 'Hatawan' Anta, kasangga ng UAAP at 'NC'
|
SPORTS
UPDATE
'Pinas kampeon sa Invitational pero banat ni Chot: NOT YET TIME TO CELEBRATE Ni Ramil Cruz Muling umibabaw ang pagkasupremo ng San Miguel Corporation-Team Pilipinas sa Lebanon, 90-85, upang mapagharian kagabi ang 4-nation 1st Smart Manila Invitational Championship sa Araneta Coliseum. Pinatimbuwang din ang Lebanese noong Huwebes, 88-83, bilang pagresbak sa kanilang talo sa Jones Cup sa Taiwan magdadalawang linggo na ang nakalilipas, tinapos ng Nationals ang torneo na final tune-up bago mag-International Basketball Federation-Asia Men’s Championship sa Tokushima, Japan sa Hulyo 28 hanggang Agosto 5, na may tatlong panalo sa apat na sabak. Ang tanging talo nito ay sa mga kamay ng Chinese nu’ng Biyernes, 77-74. Sa pangalawang sunod na pagkakataon, kasama ang kamakalawang 92-79 win sa Syria, umangkla sa opensiba ng RP 5 si Jimmy Alapag na kumontak ng 23 points, 16 sa matindi niyang second quarter na rito’y may 3-of-4 siya sa three-point line at 3-of-4 sa perimeter. Siya’y may four assists at two steals pa kahit off the bench bilang pambawi niya sa sablay na dalawang free throws sa pagyukod ng Pinoy quintet sa mga Intsik. Dahil sa pambihirang performances, si Alapag ang naging Most Valuable Player ng torneo na pinadrinuhan din ng Nike, Gatorade, Victory Liner, Casino Alcohol at Omega Pain Killer. Kasama niya sa Mythical Five sina teammate Kelly Williams na umayuda ng 15 pts., Syria’s Michael Madanly, Joseph Vogel at Fahdi El Khatib ng kapwa Lebanon. "We learned how to close games, we seized the opportunity. We’re able to achieve that eventhough we’re not a hundred percent because of injuries," bulalas ni national coach Chot Reyes na ‘di nagamit sina Danny Seigle (hamstring), James Yap (left ankle sprain) at Jay-Jay Helterbrand (right ankle). "Not yet time to celebrate, let’s reserve the celebration for Japan." "We’re almost there. This team, they’ve made so many sacrifices for us," komento naman ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Noli Eala. Bago magtungo sa Japan sa Hulyo 25, magkakaroon pa ng dalawang exhibition games ang SMC-RP sa Kuwait sa Biyernes at sa Sabado rito. Malaking bagay din si Gabe Norwood sa kampanya ng bansa, pero tagilid pa itong mapasama sa Japan dahil sa inaayos pa ang kanyang mga papeles. Halos matakpan ang kagalingan at selebrasyon ng mga Pinoy nang sa curtain-raiser na battle for third ay ‘di sukat akalain na mabitag ng Syria ang China, 87-81, para rin madale ang unang panalo sa kumpetisyon at ikalaglag ng huli sa 2-2. Sa iba pang developments: Ninombrahan kahapon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Pato Gregorio si former national player at multi-titled De La Salle University-Manila head coach Franz Pumaren bilang chief tactician ng national youth team na sasabak sa South East Asia Basketball Association Juniors at sa FIBA-Asia Youth Championships na parehong nakatakda sa Hulyo 2008. Kasamang kinalabit sina San Beda College-Manila coaching legend Ato Badolato at ang batang coach ng Ateneo de Manila University na si Sandy Arespacochaga bilang assistant coaches naman ng koponan. |
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|