|
Showbiz Gallery
|
ENTERTAINMENT
Dennis, nagalit sa anak ni Fariñas
Nakunan din ang mga eksena ng mga ibang artista gaya nina Jeremy Marquez at Hazel Ann Mendoza. Bagong lipat pa lang sa GMA 7 si Hazel Ann Mendoza ay nagkaroon agad ng kaunting aberya sa set dahil sa kasama niyang lalaki na nagngangalang Rey Carlos M. Fariñas, anak ng dating Gobernador at Congressman ng Ilocos Norte. Ayon sa kuwentong nakuha namin ay medyo nakainom ito at nagpapatugtog nang malakas. Dahil hindi siya kilala ng stylist ng programa ay ang ina ni Hazel Ann ang sinabihan nito na kung puwede ay hinaan ang music dahil may mga artistang nagpapahinga sa loob ng kuwarto. Hindi pa man nagtatagal ay galit na galit daw itong si Carlos na hinarap ang stylist at napahiya raw siya sa ina ni Hazel Ann. Dapat ay siya raw mismo ang kinausap tungkol sa problema. Ang depensa ng stylist ay hindi niya kakilala ang lalaki at ang alam lang niya ay kasama siya nina Hazel Ann. Ayon pa sa stylist ay nanakot pa raw itong si Carlos na baka hindi alam ng stylist kung sino siya. Binigyan pa raw siya ng calling card at naglabas pa raw ito ng baril. Medyo naalarma ang stylist at humingi ng saklolo sa mga artista at sa EP ng programa. Dali-daling tinawagan ni Jeremy ang mga galamay niya para makalabas ang stylist nang walang problema. Baka raw biglang magpaputok ng baril si Carlos. Kinailangan pa raw tumawag ng pulis para disarmahan o paalisin ang lalaki. Ayaw raw nitong umalis at
kung hindi pa ang nanay ni Hazel Ann Mendoza ang nagsabing umalis na siya,
hindi pa nito lilisanin ang lugar. Cooler heads prevailed at walang nangyaring grabe sa set. Natuloy ang taping ng Kung Mahawi Man Ang Ulap na dinidirek ni Mac Alejandre. Magsisimula itong iere sa katapusan ng buwan bilang kapalit ng Sinasamba Kita. *** Sinilip namin ang show ni Allan K noong Biyernes sa Zirkoh Timog kung saan guest niya si Billy Crawford at ang grupong Talentadings. Sa show na iyon ay nakita namin na kinukunan ng dalawang camera ng taga-GMA 7 ang show. Iyun pala ay mula sa Wish Ko Lang dahil may grupo ng mga kabataan na tinawag nilang ‘Siga’ from Baseco compound sa Tondo na nangarap na makajamming sa pagsasayaw si Billy Crawford. Hindi naging maramot si Billy at buong ningning pa niyang ipinagmalaki ang grupo ng mga kabataan. Sinabi ni Billy sa mga bata na kung anong tulong ang kailngan nila ay buong puso niyang ipagkakaloob ito. Palakpakan at hiyawan ang mga tao sa magandang gesture ng host ng Move ng GMA 7. *** Ngayong Lunes ang pictorial nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Marimar. Ito ay kukunan ng pamosong si Jun de Leon sa isang beach resort sa San Antonio, Zambales. *** Noong Sabado ay nag-first taping day sa Santolan, Pasig ang Tasya Pantasya na pinagbibidahan nina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi. Inabutan namin na kinukunan sina Yasmien, Rainier at Alicia Mayer. Kahit napatambal sa
iba si Yasmien ay walang naging problema sa pagitan ng balik-loveteam at
okay pa rin ang rapport nilang dalawa. Smile pa rin ang sandata niya na nakakabighani. Abala pa rin daw si Rainier sa out of town shows. Bihira na rin daw siyang gumimik at madalas ay sa bahay na lang siya naglalagi at nagko-computer. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|