Abu Tilamzik  

Joe Barrameda

Allan Diones


Showbiz Gallery

 

ENTERTAINMENT

Katahimikan para kay Rod Strunk 


Ngayong araw raw magbibigay ng statement si Kaye Torres kaugnay sa pagkamatay ni Rod Strunk.

Nabigla ang anak ng nasirang Nida Blanca nang tinawagan ito ng Startalk nu地g Sabado dahil wala itong kamalay-malay sa balitang nagpatiwakal umano si Strunk.

Wala raw muna siyang maibigay na statement nu地g mga sandaling iyun kaya nakiusap itong hintayin na lang ang Lunes.

Nakontak din namin ang NBI Deputy Director na si Edmund Arugay na tumututok sa kaso ni Nida Blanca, pero wala rin muna siyang maibigay na komento dahil hihintayin pa lang daw niya ang ano mang hakbang ng kampo ni Nida at kampo ni Rod Strunk.

Nagpadala lang ng text message ang abugado ni Rod Strunk na si Atty. Alma Mallonga:

"We, his lawyers, are deeply saddened by news of Rod Strunk痴 death and concerned this may be capitalized upon by some to further connect him to the death of Nida Blanca.

"Mr. Strunk loved Nida Blanca who was his wife for 20 years. He was highly despondent over the death; he struggled mightily to rebuild his life without her, but obviously failed.

"He had nothing to gain from her death and there is no evidence but only cruel speculation to continue linking him to the crime. The unfounded accusations should now stop.

"Mr. Strunk had been planning to write a book; he had married anew but recently separated which was why he was staying in a hotel at the time of his death.

"We pray that he finds the peace that eluded him in his life after Nida Blanca."

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Nida ay hindi malaman kung ano ang dapat na maramdaman dahil naiisip din daw nila na baka lalong lumabo ang kasong pagpaslang sa nasirang kaibigan dahil namatay na si Rod Strunk.

***

Namataan ng Startalk nu地g Biyernes na magkasama sina Mark Herras at si Lian ng EB Babes.

Nang nakitang tinututukan na sila ng kamera, kaagad na naghiwalay ang dalawa at nakiusap na huwag nang kunan at baka mapagalitan daw si Mark ni Manay Lolit Solis.

"Naku! Magagalit sa akin si Nay Lolit," nag-alalang pahayag ni Mark.

Meron pa raw teledramang gagawin sila ni Jennylyn Mercado at baka masira pa ito ng isyu kay Lian.

Pahayag ni Manay Lolit, ayaw niyang pakialaman kung gusto nang ma-in love uli ni Mark. Ang tiyak daw na magri-react diyan ay ang GMA Artists Center dahil si Jennylyn lang ang gusto nilang ma-link kay Mark.

Wala naman daw silang itatago kaya nagpa-interview na rin sila sa Startalk para itanggi ang isyu sa kanilang dalawa.

Bihira raw silang lumabas dahil pareho silang abala, at grupo raw silang lumalabas.

"Friends lang kami," maikiling sagot sa amin ni Lian. Natutuwa raw siya sa kakulitan ni Mark pero wala raw namagitan sa kanila dahil pareho raw silang busy at walang panahong magka-inlaban.

Tinanggap na namin ang mga pahayag ng dalawa dahil pinagbigyan naman kami ng interview.

In fairness sa dalawa, kung sakaling sila na, bagay sila at okay na rin siguro iyun para hindi na sila ma-link kung kani-kanino.

***

Napaiyak si K Brosas nang sinorpresa siya ng mga malalapit na kaibigan nu地g Biyernes sa isang bar sa Malate.

Kahapon ang birthday ni K pero nu地g Biyernes pa lang ay nagsimula na ang selebrasyon para sa kanya.

Doon daw niya naramdaman kung gaano siya kamahal ng mga malalapit niyang kaibigan.

Maganda pala ang nag-iisang anak ni K at may talent din ito sa pagkanta pero ang makatapos muna sa pag-aaral ang gusto ni K bago ito magseryoso sa pagkanta.

***

Malakas ang kutob ni Eddie Gutierrez na pakana ni Mother Lily ang pagkalat ng mga dating sexy photos ng asawang si Anabelle Rama dahil may pelikula itong gagawin.

Magandang gimmick ito kung totoo, pero hindi ito ikinairita ni Tita Anabelle at ipinagmamalaki rin ni Tito Eddie dahil hindi makuwestiyon ang kaseksihan ng kanyang asawa.

Proud pa itong walang retoke sa katawan ni Bisaya at pati ang litrato kaya hayaan na raw kung kumalat pa ito, wala naman daw silang magagawa pa.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright ゥ 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top