Cyber Prayer

Romance Tonite

Usapang OFW

Payong Kapatid, Kuya Rom


 

PUBLIC SERVICE

Ayoko na sa gf ko


Dear Tita Nora,

Sana po’y mapayuhan n’yo ako.

May nakilala akong isang babae. Kasabay ko siyang nag-apply sa trabaho. Unang kita ko pa lang, magaan na ang loob ko sa kanya. Nang maging textmate ko siya’y tuluyan na akong na-in love sa kanya.

 

Meron po akong girlfriend. Inilihim kong may textmate ako dahil siguradong magagalit siya sa akin. Mas mahal ko na ang textmate kong ito. Ayoko na sa girlfriend ko. Ano ang gagawin ko?

Boying

Dear Boying,

Magpakatotoo ka, iho. Kung sino ang mahal mo, sundin mo ang puso mo.

Ang kailangan mo lang gawin ay tapusin muna ang pakikipagrelasyon sa girlfriend mo para walang gulo.

Be honest. Sa sasabihin mo’y siguradong masasaktan siya, posible pang awayin o sumbatan ka, kaya sa puntong iyan ay i-ready mo rin ang sarili mo.

Mas gugulo kasi ang sitwasyon kung patuloy kang magbabalatkayo at paaasahin siyang mahal mo pero sa iba na naka-focus ang atensyon at pagmamahal mo. Bukod sa doble-gastos, peligroso at niloloko mo na ang sarili mo’y lalo lang lalalim ang kasalanan mo sa kanya.

Minsa’y mapaglaro talaga ang puso. Pero bago ka gumawa ng anupamang hakbang o desisyon ay tiyakin mo lang na wala kang pagsisisihan at panghihinayangan.

Good luck and God bless you.

Love,

Tita Nora

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top