Cyber Prayer

Romance Tonite

Usapang OFW

Payong Kapatid, Kuya Rom


 

PUBLIC SERVICE

Dalaga, may dalawang karanasan


Dear Kuya Rom,

May boyfriend ako na kasama ko dati sa trabaho. Palibhasa first time, naging mainit kami sa loob ng sinehan. Ngunit niloko lamang ako, nag-resign siya sa trabaho at pinili niya ang ibang babae.

Nagkaroon ako ng isa pang boyfriend. Wala sa isip ko na magiging kami, pero nagtapat siya ng kanyang damdamin para sa akin. Walang getting to know each other. Ang courtship ay days lang. Mabilis kasi akong magmahal.

Pinakilala niya agad ako sa kanila. May mga plano na kami sa buhay. May mga promises na kami hanggang wakas.

Pero nagsinungaling ako sa kanya. Ang alam niya ay siya ang una kong boyfriend, na ako ay independent woman, na ang family ko ay may sariling computer shop at ‘di siya makakaakyat ng bahay namin hangga’t di ko pa siya asawa. Ngunit nakarating siya sa bahay namin at nalaman niya ang totoo, mahirap lang kami, puro karton lang ang lagayan ng mga gamit namin.

Sa cellphone, nakipag-break siya sa akin. Hindi niya ako mapatawad sa aking pagsisinungaling. Nalaman niya na siya ay pangalawa kong boyfriend. Sinauli niya ang pictures namin at rosary na regalo ko sa kanya. Ako naman, ang picture na kuha naming dalawa ay tinapon ko na.

Nagsinungaling din ako sa father ko. Ang akala niya ay may overtime ako sa trabaho, pero ang totoo nanonood ako ng sine na kasama ang boyfriend ko. Bakit ‘di nalalaman ng magulang ang nangyayari sa anak sa labas ng bahay?

May isa pa akong kasalanan. Sa una at ganoon din sa pangalawa kong boyfriend, may nangyari sa amin sa sinehan. Hinalikan ako at hinipo ang private parts ko, pero nakontrol ko ang sarili ko dahil importante pa rin sa akin ang virginity. Ang mga halik at init ay hinahanap-hanap ko at madalas na ginagawa ko sa sarili ko ang nangyari sa sinehan. Nais ko sanang maalis ko ito, pero patuloy ko pa ring ginagawa ito.

Humingi ako ng tawad sa mga kaibigan ko. Ang gumugulo sa akin ngayon ay bakit ‘di ako mapatawad ng aking boyfriend? Mahal niya ba talaga ako? Nagsinungaling man ako, pero hindi ako masamang tao.

Sa nangyari sa amin sa sinehan, kahit ‘di ako nagalaw talaga, maituturing pa rin ba akong virgin? Sa aking paghahanap ng mga halik at init na may ginagawa ako sa aking sarili, mali ba ito? Mabigat ang loob ng aking magulang, ano ang kahulugan nito? ‘Di ba kung anuman ang kasalanan ng isang minamahal, tutulungan mo ito para ituwid ang pagkakamali? Pagpayuhan po ninyo ako sa lahat at ibigay sa akin ang kaliwanagan ng kaisipan para magbago ang buhay ko. Maraming salamat. -- Independent Lady

Dear Independent Lady,

Una, mapapansin mo na inayos at pinaigsi ang iyong magulo at mahabang sulat; may mga salita kang ginamit na hindi lumabas sa column na ito. Pangalawa, hindi inilathala ang tunay mong pangalan at tirahan para sa iyong proteksyon.

Marami kang usapin sa buhay na napakagulo na dapat maayos. Ang iyong pagsulat sa column na ito ay magbigay nawa sa iyo ng panibagong simulain. Magiging mahaba ang serye ng pagpapayo para sa iyo. Pero hayaan mong sa simula pa lamang ay binabati na kita.

Ang humingi ng payo -- probably for the very first time ever in your life -- ay nagawa mo at ito’y isang tamang hakbang tungo sa tamang direksyon. Congratulations! Dalangin ko na nawa’y ingatan ka ng Diyos. Marami tayong dapat pag-usapan para maliwanagan ka ng lubusan. Abangan!

Payong kapatid,

Kuya Rom

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top