|
Gloria babantayan ng `Solid 8’ sa Senado Shame campaign vs balimbing senators
|
TOP
STORIES
Trillanes iparehas kay Honasan (Rey Marfil) Ito ang naging hirit ng opposition bloc sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos na tuluyang ibasura ng korte ang kasong rebelyon at kudeta laban kay administration ally Senator Gregorio "Gringo" Honasan na nagbibigay ng karapatan sa huli para maglingkod, katulad ng ordinaryong sibilyan at public official. Ayon kay Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., magiging bias ang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay opposition Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV, maging sa lahat ng sundalo at junior officers na nakabilanggo kung hindi palalayain ang mga ito. Si Honasan, retiradong colonel ng Philippine Army at pitong beses nasangkot sa kudeta laban kay dating Pangulong Corazon Aquino, ang itinuturong ‘utak’ ng Oakwood mutiny kung saan tinatawag na "Kuya" ng Magdalo soldiers, alinsunod sa kanyang codename. Kung nagawang i-absuwelto si Honasan sa kasong rebelyon at kudeta, higit aniyang may karapatan si Trillanes, sampu ng Magdalo soldiers na nagpahayag ng kanilang saloobin at sentimyento laban kay Mrs. Arroyo sa Oakwood Hotel noong Hulyo 2003. Sinabi pa ni Pimentel na ngayong naibasura ang lahat ng kaso ni Honasan, napapanahon na rin aniya ang pag-aksyon ng Malacañang, sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) upang palayain si Trillanes para magampanan ng bagitong senador ang kanyang trabaho sa pagbubukas ng 14th Congress sa Hulyo 23. Wala nang bigat ang kaso ni Trillanes at Magdalo soldiers, ayon kay Pimentel ngayon ibinasura ng korte ang mga kaso ni Honasan na itinuturong utak sa pag-aaklas ng mga ito, maliban aniya kung mayroong halong pulitika ang lahat ng aksyon ng gobyerno. "Since DOJ has dropped charges against Senator Honasan as alleged leader of the Oakwood mutiny, DOJ should also drop cases against Senator Trillanes and his colleagues for same offense," ani Pimentel. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|