TAAS-SAHOD SA CONTRUCTUALS

Internet visa scam ibinabala ng US gov't

Trillanes iparehas kay Honasan

Special court at watchdog pinabubuo ng terror law


Hulaan Blues

Crime Stories


TOP STORIES

Internet visa scam ibinabala ng US gov't

 (Tina Mendoza)


Matapos ang Internet investment scam kung saan ilang kilalang tao ang sinasabing nabiktima ng ilang milyong piso sa Franc-Swiss, nagbabala naman kahapon ang US government sa publiko laban sa isang visa fraud scheme kung saan ginagamit ang pangalan ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas para makapambiktima.

"This supposed lottery program is not a legitimate visa program of the US government, and the Embassy is concerned that some innocent citizens may fall prey to criminals who try to make money by falsely claiming to be associated with the U.S. Embassy. This is one of many similar scams perpetrated by criminals in myriad fraud schemes that resurface every year," ayon sa pahayag na ipinalabas ng US Embassy sa Maynila.

Base sa report, ang modus operandi ng sindikato ay magpapakilalang konektado sa US Embassy at pagkaraan nito’y hihingan ng pera ang biktima na siyang gagamitin umano sa pagkuha ng visa upang makapasok sa Estados Unidos.

Karaniwan umanong nagpapadala ng e-mail ang sindikato sa ilalim ng UniAir Visa Lottery Program kung saan iimpormahan ang mga biktima na nanalo ito sa isang US Embassy Lottery Program at magbabayad lamang para makuha nito ang awtomatikong US visa.

"If you receive an e-mail, phone call, or letter saying you have won any type of US visa, the US Embassy urges you to be cautious. Do not pay any money to individuals or companies claiming they can help you get a visa," ayon pa sa US Embassy.

Idinagdag pa ng embahada na marami ang nabibiktima sa naturang scheme dahil kung titingnan ito ay aakalaing tunay kung saan naglalaman pa ng pekeng visa number, official markings at rules ng kanilang pekeng scheme.

Nabatid na humihingi ng $1,082 na processing fee ang sindikato at ipinasusumite sa biktima ang lahat ng mga dokumento nito.

Upang hindi mabiktima, hinikayat ng US Embassy ang publiko na gamitin ang official website ng US State Department upang malaman ang ilang mahahalagang impormasyon sa immigrant at non immigrant.

Ang official websites ay http://philippines.usembassy.gov/ www.travel.state.gov (http://www.travel.state.gov), at www.unitedstatesvisas.gov (http://www.unitedstatesvisas.gov)

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top