|
Internet visa scam ibinabala ng US gov't Trillanes iparehas kay Honasan Special court at watchdog pinabubuo ng terror law
|
TOP
STORIES
(Rey Marfil) Sa harap ng dumaraming contractual employees at pagpapalusot ng mga abusadong employer, iminungkahi ni opposition Senator Panfilo "Ping" Lacson na bigyan ng umento at mas malaking benepisyo ang hanay ng naturang mga manggagawa kapag sinisante ng kanilang amo sa loob ng isang taon. Ayon kay Lacson, chairman ng Senate committee on civil service and reorganization, walang kalaban-laban ang mga contractual employees sa umiiral na batas kung saan awtomatikong sinisibak ng may-ari ng kumpanya kapag napaso ang anim na buwang termino ng employment. Maliban sa sistemang 6-month contract, naging patakaran aniya ng ilang kumpanya ang magtanggal ng tauhan sa loob ng limang buwan upang walang makuhang benepisyo ang mga contract employee at hindi makahirit ng probationary period para maging regular employee. "If they cannot get security of tenure from their employers, contractual workers will at least be entitled to a substantial increase in their salaries," ani Lacson patungkol sa 50% salary increase na itinutulak nito. Sa ilalim ng Senate Bill 200, inirekomenda ni Lacson na taasan ng 50% ang buwanang sahod ng mga contractual employees upang makabawi sa mga employer sakaling sibakin sa loob ng anim buwan at awtomatikong gawin itong regular employee kapag dalawang beses nang na-rehire sa loob ng isang taon. "Contractual employees who have been rehired and who have served for a cumulative period of at least one year, whether the said period be continuous or broken shall be considered regular employees," ani Lacson. Umiiwas sa pagbabayad ng benepisyo ang mga may-ari ng kumpanya, ayon kay Lacson kung kaya’t ginagawang 6-month contract ang lahat ng mga empleyado at nire-rehire pagkatapos ng limang buwan kapag maganda ang performance gayong pasok bilang regular employee ang mga ito. Direktang tinukoy ni Lacson ang mga naglipanang department store sa bansa kung saan 90% ng may-ari ang magugulang umano sa pagbabayad ng mga benepisyo kung saan wala aniyang inatupag kundi idaan sa contractual ang mga empleyado, katulad ng mga saleslady, store personnel at iba pang manggagawa sa mga grocery. "The proposed measure seeks to discourage this practice by increasing the salary of contractual employees by fifty percent of their monthly and/or daily compensation with a provision that if they are rehired and allowed to work for a period of one year, they will be considered as regular employees of the company where they are working," ayon pa kay Lacson. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|