Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Bagitong solon may karelasyong kelot

(Rey Marfil)


Kung anong tapang kapag nasa harap ng camera lalo pa’t makakakuha ng media mileage ang gagawing pag-atake sa pamahalaan, ito’y kabaligtaran sa tunay na pag-uugali ng bagitong mambabatas dahil lumalambot ang puso, maging ang daliri sa katawan kapag boypren ang kausap.

Sa mahabang panahon, itinago ng bagitong mambabatas ang pagiging ‘dual citizenship’, as in pagiging "half Filipino at half Filipina" subalit lantad sa buong pamilya at mga kaibigan kung anong pagkatao meron ang kumag, patunay ang pagkakaroon ng boypren gayung lalaki ito.

Nakaraang kampanya, nadiskubre ng TONITE Spy na isa sa isyung hinahanapan ng ebidensya ng mga kalaban sa pulitika ng bagitong mambabatas ang pagiging ‘closet queen’ kung saan isang lalaking empleyado ng judiciary ang itinuturong karelasyon ng kumag.

Bagama’t maraming nagdududa sa kasarian ng bagitong mambabatas dahil saksakan ng ingay sa media, animo’y puwet ng manok kapag bumubuka ang makakapal nitong labi at bunganga, ay walang makuhang ebidensya ang mga kalaban sa pulitika.

Tanging impormasyong nakuha ng mga kalaban sa pulitika ng bagitong mambabatas, ito’y merong karelasyong lalaki sa isang sangay ng hudikatura at matagal nang inililihim ng kumag ang pagiging ‘silahista’ bunga ng pangambang makaapekto sa kanyang ambisyon sa pulitika.

Halos tatlong taon nang karelasyon ng bagitong mambabatas ang isang empleyado sa hudikatura at nalalaman ng kanyang misis ang pagiging silahista ng kanyang mister subalit walang magawa ang babae dahil kapwa may ambisyon sa pulitika ang mag-asawa.

Kahit masakit sa kalooban ang pagsa-sideline sa ibang kandungan ng kantang mister at malaking insulto sa kanyang pagkababae ang pagkakaroon ng relasyon sa kapwa lalaki ng bagitong mambabatas, pumapayag si misis dahil wala namang makakapitan at mawawasak ang kanilang pamilya lalo pa’t merong mga anak ito.

Bago pa man lumutang ang alegasyong meron itong karelasyong lalaki sa hudikatura, unang kumalat ang isyung matagal nang hiwalay ang bagitong mambabatas at nagsasama lamang sa pangalan ng pulitika, patunay ang substitution na naganap sa kaniyang lugar kung saan nanalo ang misis nito.

Sa nakaraang kampanya, hindi natiyempuhan ang bagitong mambabatas ng mga ipinakalat na ‘paparazzi’ ng mga kalaban sa pulitika kung saan tanging misyon nito’y kunan ng litrato, kasama ang karelasyong lalaki na nagtatrabaho sa judiciary.

Kung nagkamali ng galaw ang bagitong mambabatas nu’ng nakaraang kampanya at hindi napigilan ang pagiging obsessed sa kanyang boypren, posibleng napahamak ang political career ng kumag lalo pa’t bantay-sarado ang mga kalaban sa pulitika, as in 24-oras binabantayan ang paglabas ng bahay.

Clue: Saksakan ng ingay ang bagitong mambabatas nu’ng nakaraang kampanya at halos hindi makapangampanya para lamang sagutin ang mga isyung ipinupukol ng mga kalaban sa pulitika. Kung senador o kongresista, abangan ang susunod na kabanata. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top