|
|
EDITORIAL
Walang ginhawang hatid
Epektibo nitong Hulyo ay ipinatupad ang 10% wage increase sa mga empleyado ng gobyerno subalit dahil ibinase sa basic salary ang dati nang tumatanggap ng matataas na sahod ang higit na magbebenepisyo. Kabilang sa mga sinasabing magbebenepisyo sa ipinatupad na 10% salary increase ay mga cabinet secretaries, assistant secretaries, undersecretaries at ipa pang matataas na opisyal ng gobyerno. Kami man ay sang-ayon sa pananaw at sumususog sa panawagan ng mga empleyado ng gobyerno. Totoong walang ginhawang maihahatid sa mga empleyado ng gobyerno ang 10% umento dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at iba pang serbisyo kaya’t hindi kakayaning pandugtong ang ibinigay na dagdag-sahod ng pamahalaan. Sa muling pagbubukas ng Kongreso, dapat ay mabigyang-pansin na ng mga mambabatas ang napakatagal nang problemang ito. Kung may mahahalagang batas na kailangang pagtuunan ng atensyon sa panahong ito, para sa amin ito ay ang pag-apruba ng angkop na dagdag na sahod sa bawat manggagawang Pinoy nang sa gayun ay matulungang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay na sa ating palagay ay repleksyon din sa ating gobyerno. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|