|
MAINGAY KUMANTA, 5 BORN AGAIN HINALIHAW NG ICEPICK Cigarette vendor, patay kay 'Bin Laden' 4 sugatan sa karambola ng 2 kotse at bisekleta Gobyerno blangko pa sa kondisyon ni Bossi Simbahan humirit sa anti-terror law
|
CRIME
STORIES
MAINGAY KUMANTA, 5 BORN AGAIN HINALIHAW NG ICEPICK (Vladi Eduarte) Limang miyembro ng isang religious congregation kabilang ang kanilang pastor ang nasugatan nang sugurin ng saksak ng isang lalaki pagkatapos ng worship service ng mga biktima sa Taguig kahapon ng tanghali. Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas pero nasukol ng taumbayan ang suspek na si Jerry Relacion, 27, tubong Davao City at naninirahan sa Purok 4, Bagong Tanyag, Taguig. "Ang sabi ng suspek, hindi naman daw totoo ang pinagsasabi ng mga miyembro ng kongregasyon tungkol sa Diyos at naiingayan daw siya tuwing nagkakantahan sila (mga biktima) ng praises. Isa pa, gusto lang daw niyang pumatay ng pastor," pahayag kagabi ni Chief Insp. Celso Rodriguez hinggil sa motibo ni Relacion. Sa kabutihang-palad, nakaligtas lahat ang mga biktimang sina Armando de Vera, 46, pastor ng Jesus King of Glory Church, ng 121 Purok 4, Bagong Tanyag; Rosalinda Decena, 55, vendor, at Emelita Dominguez, 47, kapwa ng Blk. 11, Lot 14, Don Carlos Village, Pasay; Susie de Asis, 30, vendor, ng 66 Don Carlos Revilla, Pasay at Jonathan Marquez, 23, church worker, ng Purok 4, Bagong Tanyag, Taguig. Ayon kay Chief Insp. Rodriguez ng Taguig Police Station Investigation Division, ang mga biktima ay unang isinugod sa Parañaque Medical Center pero inilipat ng mga kamag-anak sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay. Sa imbestigasyon ni PO2 Ralph Lauren Morelos, alas-12:10 kahapon ng tanghali, pagkatapos ng worship ay nag-usap-usap ang mga biktima nang sumulpot si Jerry Relacion. Armado ng 17-pulgadang ice pick, bigla na lang umanong hinalihaw ng saksak ni Relacion ang mga biktima. Tumakas ang suspek matapos ang pananaksak pero hinabol ito ng galit na galit na taumbayan at nang masukol ay ginulpi kaya kinailangang isugod din si Relacion sa Rizal Medical Center bago dinala sa Taguig Police SID.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|