JULY 13, 2013 SATURDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
July 13, 2013
As of 2:20 pm
U. States 43.3399
Bahrain Dinar 114.942
Can Dollar 41.7873
Euro 56.6157
Aus Dollar 39.7027
HK Dollar 5.58730
Japan Yen 0.437703
Saudi Riyal 11.5561
S’pore Dollar 34.3174
Taiwan Dollar 1.45661
UAE Dirham 11.7985
UK Pound 65.3741
 
Custom Search
Kampeon ng mabuting pamamahala
at serbisyong pangkalusugan
Shylynne D. Castillo

 

 

Minsan kong naikuwento sa aking column ang tungkol sa naganap na Champions for Health Governance Awards (CHG) ng MSD, Kaya Natin! Movement, Ateneo School of Government kasama ang Department of the Interior and Local Government at Department of Health noong ika-20 ng Hunyo.


Sa pagkakataong ito, haya­an ninyong ibahagi ko ang kuwento ng tatlo sa limang nagsipagwaging local government units (LGUs) sa nagdaang awards ceremony. Samantala, abangan naman sa Abante column ni Kai Pastores (Unlimahinasyon) tuwing Sabado ang dalawang LGUs na nanalo rin sa nasabing Awards.


Isa sa pinarangalan sa CHG Awards ang munisipalidad ng Carmona sa lalawigan ng Cavite na kabilang sa unang antas ng munisipa­lidad. Ito ay mayroong 14 na barangay na may kabuuang populasyon na 76,394.


Malaki ang paniniwala ng munisipalidad ng Carmona sa “people empowerment”. Sa madaling salita, naniniwala sila sa pagkakaisa ng komunidad para sa ikauunlad ng lahat. Kaya naman hindi nawawala ang mga Civil Society Organizations (CSOs), Non-Government Organizations (NGOs), People’s Organizations (POs) at pribadong sektor sa pagpapatupad ng mga local government unit development pro­jects. Sa katunayan, higit sa 70% ng mga proyekto ng LGU ay ipinatupad sa pakikipagtulungan ng mga NGOs, POs at pribadong sektor.


Kabilang sa mga public health programs ng Carmona ay expanded program on immunization for child care, comprehensive nutrition program, safe motherhood and family planning, prostate and cervical cancer awareness program, STI/HIV/AIDS awareness, fami­ly/barangay health workers training program, medical mission in remote areas and jails, cataract extraction and pterygium excision, at provision of free eyeglasses for indigents and high schools students.


Ipinagmamalaki rin ng munisipalidad ang kanilang mga makabago at napapanahong public health programs ukol sa pag-iwas sa mga non-communicable diseases na kilala sa tawag na “Direct Access to Healthy Lifestyle Intervention and Advocacy” o “D.A.H.L.I.A.” Ito ay binuo para sa pag-iwas at pagkontrol sa mga “lifestyle-related di­seases”. Kasama rito ang diabetic club na “Sweet Company”, na itinatag ng Pagamutang Bayan ng Carmona.


Mayroon din namang programa ang munisipalidad na tumutugon sa acute respiratory infections at diarrhea. Ang mga family health workers ay sinanay nang sa gayon ay magkaroon sila ng kaalaman sa pag-iwas at pagtuklas sa “Standard Case Management of Upper Respiratory Tract Infection” at “Acute Gastroenteritis” sa mga sanggol at bata.


Kasama rin sa kanilang programa ay ang pagpapatibay ng National Tuberculosis Program, malnutrition, mataas na gastos sa ospital, masigurong ligtas ang inuming tubig at maprotektahan ang kalusugan ng mga senior citizens.


Ayon kay Carmona Municipal Health Officer Dr. Homer Aguinaldo, ang iba’t ibang public health programs ay “well documented” upang matiyak ang sustainability gayundin ang positibong epekto nito sa komunidad.


Dahil sa mga inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan ng Carmona, nakatanggap sila ng mga samu’t saring parangal at pagkilala. Kabilang sa mga ito ay ang “Gawad Pamana ng Lahi (Bronze National Award)”, “Most Outstanding Healthy Lifestyle Advocacy Award”, “Most Business Friendly LGU,” at iba pa.


Higit pa rito, tinututukan din ng munisipalidad ang kahalagahan ng “transparency” at “accountability”. Ang Carmona ay nakatanggap ng Seal of Good Housekeeping mula sa DILG at kilala rin sa iba’t iba nitong pagsusumikap kaugnay sa mabuting pamumuno.


Carmona, Cavite, tunay kayong Champion for Health Governance!


***


Para sa inyong mga komento, mag-text sa 0919-957-5444 o mag-email sa shylynnecastillo@yahoo.com.

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION