MINIBUS NA KARGADO NG PAMPASABOG, NASABAT

Fetus bumulaga sa checkpoint

Foreigner pinatay sa Pasay

Inakalang kawatan, amo binariln ng helper


Top Stories

Hulaan Blues


 

CRIME STORIES

Foreigner pinatay sa Pasay

(Irwin Corpuz)


Isang hindi pa nakikilalang foreign national ang natagpuang patay na sa President Diosdado Macapagal-Avenue, Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-5:30 umano ng madaling-araw kahapon nang makita ni Raylon Arayata, guwardiya ng Public Estate Authority ang bangkay ng biktima na nakabulagta sa northbound lane ng Macapagal Avenue.

Ang biktima na binaril sa ulo at mayroon pang saksak ay inilarawan na tinatayang nasa 25 hanggang 30 taong gulang, may taas na 6’1", nakasuot ng kulay abuhin na T-shirt, itim na short pants at kulay brown na World Balance sandal.

Nangangalap pa ang mga imbestigador ng Pasay Police-Station Investigation Division hinggil sa nasabing kaso subalit dalawang teorya ang kanilang sinisilip sa likod ng pamamaslang sa hindi pa nakikilalang dayuhan.

Posibleng sinadyang patayin umano ang biktima at itinapon na lamang sa Macapagal Avenue. Subalit hindi rin inaalis ng mga pulis ang posibilidad na hinoldap ang biktima dahil wala nang nakita pang gamit nito tulad ng pitaka. Maaaring nanlaban umano ang biktima kaya ito pinatay. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top