Didiskarte sa Cainta Coliseum ang mga sabungero ng Rizal, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig at Quezon City sa pagpapatuloy ng “Itaktak Mo Part III 5-cock derby” ngayong alas-kuwatro ng hapon na may 80 sultada.
Umabot na sa 112 ang mga kasali sa paderbing ito na may garantisadong P1.2 milyon at entry fee na P5,500. Nakalinya sa Lunes ang huling elimination round habang sa July 16 ang finals.
Tatlo pang kalahok ang nakakumpleto ng tatlong panalo noong Miyerkules at kumabig ng P20,000 bawat isa. Sila ay sina Osang dela Cruz (GQ Maestro), Engr. Bautista (Malikmata) at Jelo Gutierrez (Cainta Cockers Club). |