Makaraang dumugin ng 301 kalahok ang unang edisyon, ikakasa naman ang “Mini Rambulan Part II 5-cock derby” ng San Juan Coliseum sa Hulyo 21, 23, 28 at 30 at sa Agosto 2.
Mga smalltime cocker muli ang inaasahan dito dahil sa mababang entry fee na P5,500 lamang pero ginarantiyahan ng SJC management ang P1.5 milyon na papremyo.
Lahat ng mga iiskor ng tatlong panalo sa 3-cock eliminations ay babahagi sa day prize na P50,000.
Samantala, gaganapin ngayon ang pagsusumite ng timbang para naman sa “Bratinela 3-cock derby” na lalargahan bukas. Ito ay paderbi ni Ruchelle Cheche at ng SJC management |