July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  UE, ADMU solo sa taas
Vladi Eduarte
 
Sosyo na sa liderato ng UAAP Season 71 ang University of the East at Ateneo de Manila University matapos dispatsahin ang kani-kanilang mga nakatunggali kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Kapwa nasungkit ng UE at ADMU ang ikalawang panalo sa gayunding dami ng laro para magsosyo sa tuktok. Ang mga biktima naman nilang National University at Adamson ay parehong nalag­lag sa 0-2.
Sumandal ang Red Warriors sa matinding atakeng pinakawalan sa third quarter tungo sa pagbaon sa Bulldogs, 82-69, sa first game.
Tatlong 3-pointers ang pinakawalan ni James Martinez sa third para pangunahan ang atake ng Warriors ni coach Dindo Pumaren at tuluyang iwan ang Bulldogs.
Tumapos si Martinez ng 16 points at six rebounds, habang may ayuda pang 11 points, 14 boards at three blocked shots si Elmer Espiritu.
Sa tampok na laro, ipinutong ng Ateneo sa Adamson ang lowest output sa anim na taon upang maiskor ang 72-45 win.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES