Kinumpleto ng Team Manila ang three-game softball clinic para sa Indonesia sa kumbinsidong 11-1 six-inning regulation win na sumusi sa pagkopo ng Triple Crown para sa Pilipinas sa 2008 Asia Pacific Girls Softball Championships sa Guangdong Olympic Sports Center softball field sa Guangzhou, China kamakalawa.
Nakatagpo ng panibagong bayani ang Manila Golden Girls kay down ball artist Erica Escanuela na kumayod ng no-hit, no-run, no error three-inning relief job, kung saan ‘di nagpapasok ng isang Indonesian runner patungo sa pagbabalik-trono ng Big City sluggers sa Big League (14-18) division na nabigo nilang madepensahan noong isang taon.
Pinatalsik ng 18-anyos na Adamson University first year office management student mula sa Bacolod City, na pinalitan ang lefty na si Felixwinda Custodio, ang limang batters na nagkakakabit patungo sa pagpaparetiro sa bawat isa nito na magkakasunod sa tatlong frames sa mound at nagregalo sa Manila ng 3-0 win sa karibal sa best-of-five series.
Sa kaagahan noong Huwebes, nawalis din ng Bacolod Major Leaguers ang kagayang serye sa pagdagan sa Guam, 12-2 sa napaigsing masaker sa loob ng apat na innings para sa walong kabit na taon na pamamayagpag sa 11-12 years old category.
Ang karangalan ay dinuplika pagkaraan ng kanilang Junior Leaguer town mates na kumamkam ng 12-6 victory din sa Guaminians sa Game Three ng serye para sa korona ng 13-14.
Dahil dito’y magmamartsa ang Manilenyas, hinandugan din si coach Ana Santiago ng pangalawang intersyunal na titulo kabilang ang 25th Southeast Asian Games sa Thailand noong Disyembre, sa Kalamazoo, Michigan para katawanin ang bansa at nasabing rehiyon sa World Series sa kanilang dibisyon sa papasok na buwan.
Sa kabilang dako, ang Bacolod Major Leaguers ay umabante sa World Series 11-12 class sa Portland, Oregon. Samantalang ang Bacolod 13-14 batters ay darayo sa Kirkland, Washington para rin sa World Series play sa kanilang kategorya.
Ang Triple Jewel ay nagpataas sa lalahukan ng RP batters sa limang WS kasama ang ILLAM (International Little League Association of Manila) sa boy’s baseball Junior League dalawang linggo na ang nakararaan sa Saipan.
Puwedeng mapaangat pa ito sa anim ng Bacolod Senior Leaguers kapag nadale nito ang 14-16 level kontra sa punong abalang Tsina bukas.
Binokya ng Seniors ni coach Tony Oquindo, na kagaya ng kanilang Major League at Junior League na mga kababayan ay muntik nang madiskuwalipika dahil sa huling pagbabayad sa pagsali, ang Guam, 8-0, para sa pangalawang panalo sa apat na koponang torneo para maparehasan ang marka ng mga Intsik. |