July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
‘Wag pagkakitaan!
Editorial


Nag-isyu na ng bagong fare matrix o taripa sa mga pampasaherong bus ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang mai­patupad na ang dagdag singil sa pasahe.
Ang fare hike ay iimplementa bunsod ng walang tigil na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Dahil ipatutupad ang dagdag-pasahe, malinaw na ibig sabihin nito ay tutulungan ng gobyerno ang sektor ng transportasyon na makaahon mula sa matinding sakripisyong dinaranas dala ng sobrang taas ng presyo ng langis.
Pero hindi ba’t panibagong pagpapahirap sa mga tsuper at operators ang planong paniningil ng LTFRB sa ipapalabas na fare matrix gayundin ang add-on-sticker?
Walang isyu kung kasing halaga lamang ng gagastusing materyales sa pag-imprenta ng fare matrix at stickers ang sisingil ng LTFRB pero ang P50 hanggang P300 na si­ngil sa bawat sasakyang kakabitan ng taripa ay masyadong malaki.
Anong klaseng tulong itong gustong gawin ng LTFRB kung hindi pa man nakakaramdam ng ginhawa ang mga tsuper at operator ay pasakit agad ang ipapalasap?
Kung sinsero ang LTFRB at ang gobyerno sa kabuuan na matulungan ang sektor ng transportasyon, hindi tamang maningil ng napakalaking halaga sa fare matrix at stickers.
Huwag naman sanang pagkakitaan ang ating mga kababayang hirap na sa buhay!

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES