July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
‘Responsibilidad’
Darlene Custodio


May survey po sa Internet na pinaboboto ang mga tao kung sino daw ang higit  na may kasalanan sa nangya­ring trahedya na kumitil sa buhay ng maraming tao sa paglubog ng MV Princess of the Stars. Ang mga pinagpipi­lian: ang pamunuan ng Sulpicio Lines, ang Coast Guard, o ang Pag-Asa, may pwede pang sagot na ‘silang lahat.’ 
Hindi ko na po nasundan kung ano ang naging resulta ng quick survey na iyon pero pag-usapan po natin ang isyu ng ‘responsibilidad’ sa nangya­ring ito. Naniniwala po ako na ang  bawat isa sa atin ay may responsibi­lidad sa isa’t isa. Nakakalungkot lang na minsan ay kaila­ngan pang may mangya­ring sakuna upang malaman natin na minsan ay nakakaligtaan natin ang responsi­bilidad na­ting ito. 
Kung ako ang tatanu­ngin, lahat ng nabanggit sa itaas na pagpipilian ay ba­hagi sa kabuuan ng naganap na trahedya. Ang Sulpicio bilang isang negosyo na nagkakaloob ng transportasyon, ang Coast Guard na nanga­nglaga sa kaligtasan sa ating karagatan, at ang Pag-Asa sa pagbabantay ng pagbago-bago ng panahon. Magiging perpekto lamang ang serbisyong maibibigay sa ating mga kababayan kung ang bawat isa sa mga nabanggit ay pagtutuunan ang kani-kanilang responsibilidad. 
Panahon na para pagtuunan natin ang halaga ng pagkilala sa bawat isa na­ting responsibilidad. Ikaw at ako, responsibilidad natin na siguraduhin ang kalinisan ng ating kapaligiran, ikaw at ako, responsibilidad natin na itama ang mali, isumbong ang katiwalian, at bantayan ang mga proseso upang masi­guro ang kaligtasan, kapayapaan at kaunlaran para sa bawat isa.  
Ang bawat isa lamang sa atin ang makakapag-
ayos ng lahat ng uri ng kamalian sa ating sambayanan, ang bawat isa, tulong-tulong at buo ang  paninindigan. 
Sa susunod na maka­kita tayo ng pagkakataon, isumbong ang ano mang mapansin natin na hindi tama, tulad halimbawa kung over-loaded ang mga sasakyan, kung halimba­wang may mga batas na sinusuway ang mga awtoridad na maaring magpahamak sa atin at sa ating mga kababayan.   
Halimbawang may mga pagsuway sa batas ng kalikasan, paglabag sa batas ng kapayapaan, pagbastos sa karapatang pang-tao. Lahat ng ito ay tutulan, isiwalat, itama. Responsibilidad ito ng bawat isa sa atin at hindi lamang ng mga awtoridad na kung minsan ay ang mismo pang sumusuway sa mga tamang pamamalakad. 
  Patuloy ko po kayong inaanyayahan na ipadala sa akin sa mydarlene2007@yahoo.com o kaya ay i-text sa numerong 09292144014 and inyong mga tanong at mga opinion, mga kwento at mga suhestyon. Sana po ay ilakip ninyo ang inyong pangalan at address sa inyong mga liham at text messages. 

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES