July 11, 2008 - Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Ducut sa ERC na
(Rose Miranda)
 

Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Deputy Chief Presidential legal counsel Zenaida Ducut bilang Acting Chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ang kinumpirma kahapon ni Press Secretary Jesus Dureza matapos na maipalabas ang official appointment paper ni Ducut na dati ring Pampanga congresswoman at kababayan ni Pangulong Arroyo.
May ulat din na malapit si Ducut kay Rodolfo Pineda, ang kinikilalang jueteng lord ng Central Luzon, dahil nagsilbi ito bilang incorporator noong 2001 sa Philippine World College na umano’y pag-aari ng pamilya Pineda.
Kamakalawa ay nagretiro na ang ERC Chairman na si Rodolfo Albano Jr. ngunit bago pa man ito ay matunog na ang pangalan ni Ducut bilang kapalit nito bunsod na rin ng pagiging malapit nito sa punong ehekutibo.
Sinasabing tinalo ni Ducut ang iba pang nominado sa puwesto na sina corporate counsel at da­ting Ateneo law professor Alberto Agra at Lanao del Norte Rep. Alipio Cirilo Badelles.
Mabilis naman na idinepensa ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Ducut sa pagsasabing karapat-dapat ito sa puwesto bunsod na rin ng impresibong kredensyal.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES