Tatlong senador ang namuro sa pagiging absenero sa nakaraang 1st regular session matapos makapagtala ng pinakamaraming pagliban sa sesyon.
Sa kabuuang 88 session days sa nakaraang 1st regular session, nakapagtala sina Sens. Rodolfo Biazon, Loren Legarda at Alan Peter Cayetano sa pinakamaraming absences sa pagdalo ng sesyon.
Tanging 79 session days ang pinasukan ni Biazon kaya’t nakapagtala ng siyam na absent habang si Legarda, ito’y lumiban ng 7 sesyon at 77 session days lamang ang pinasukan samantalang 4 session day ang absent ni Cayetano.
Kung sina Biazon, Legarda at Cayetano ang nakapagtala ng pinakaraming absent, nakapagtala naman ng ‘perfect attendance’ sina Senate President Manuel Villar Jr., Senate pro-tempore Jinggoy Estrada, Sens. Panfilo ‘Ping’ Lacson, Gregorio ‘Gringo’ Honasan, Juan Ponce Enrile, Joker Arroyo, Benigno Aquino at Edgardo Angara.
Naging perfect attendance din sina Senate minority floor leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., Sen. Juan Miguel Zubiri at Senate majority floor leader Francis Pangilinan.
Iba pang nakapagtala ng maraming absent sina Sen. Manuel Roxas, 4; Sen. Ramon “Bong” Revilla, 4; Sen. Miriam Defensor-Santiago, 2; Sen. Pia Cayetano, 2; at Sen. Francis Escudero III na may isa lamang na pag-absent.
|